20.5.11

blog-ag!

mahirap magtype ng blog sa cp pero cge. itatry q magblog d2. steady lng kau followers q.

11.3.11

SA WAKAS!!

medyo matagal tagal na din akong di nakapag-blog... :( nakakalungkot... lalo na at ito ang pampawala ng stress ko... pag nagba-blog ako, feeling ko, lahat ng taong nakakabasa nito, nakikidamay sa akin... hmp! mga pakialamero... joke... :)


ayan, ngumiti na ako... im no longer stressed... see how it works wonders? bravo... sana may computer na ako sa bahay... para pag malungkot ako, i can just start up my windows, type www.blogspot.com and sign in... then from there, i can let my thoughts flow freely. maraming tao ang nagsasabing, blog is just for demented people... yung mga taong walang friends na mapagsasabihan ng nararamdaman... hindi naman totoo yun... ang blog, para din sa mga taong masaya, gusto magshare ng experiences... gustong ipaalam sa buong mundo kung gaano kalawak ang utak nila... kung gaano sila kagaling mag sulat ng blog at higit sa lahat, kung gano sila kagaling mag english... 


for me though, blog is a different things, it's an outlet, a friend, a lover, a sexmate, a--- heh! teka nga... bastus mu ah... alis!


there... si folks... kumakalabit na yung higaan sa akin... antok much... till next time... :)

23.6.10

MY EX GIRLFRIEND HACKED MY ACCOUNT!!

Damn... hindi ko akalain na magagawa niya to sakin. She took 4k out of my bank account, took my ID from work, my last cash in my wallet, my cellphone and my life. Damn talaga. Ngayon, she changed my password in facebook account and I cannot access it. It is suspended until I get the time to fix it. Grabe talaga. Sinusubukan niya ko. Hindi ko na nga siya pina-pulis sa ginawa niya sa akin eh, pati ba naman yung facebook ko?!?!? Eh ang dami ko pa naman mga pics dun na hindi pa napapa-print... adik siya!

Bait nga ba kami nag-break? Kasi naman, I just realized lately na matagal ko na pala siyang hindi na mahal. Yeah, hindi NA mahal. Ibig sabihin, minahal ko naman siya pero the first time na sinaktan niya ako, nawalan na ako ng gana sa kanya. Inulit niya pa yun. Ngayon, ayaw ko na. Sawa na ako. Siguro ganun talaga ako eh. I lose interest very quickly, ika nga ng team mate ko. Kapag may nakita akong mali, wala na. Ayoko na agad. Sid was a ver good person. Mapag-mahal, maalaga and mabait. That's why kahit kinuha niya ang mga things ko which can be considered robbery, I still cannot have the heart to get the pplice arrest her. Damn, we have been together for 2yrs. Ayoko naman na yung taong kinasama ko eh, ipapakulong ko. Besides, I know naman kung bakit siya nagkakaganun. Sana lang ibalik niya mga gamit ko. Yung cellphone na yun, yun ang first gift ko sa mama ko nung makapasok ako sa HSBC. Sana maging considerate siya na may sentimental value yun para sa akin. Haaayyy naku. Ang hirap talaga. Inaamin ko naman na habang kami pa, may nagugustuhan na akong iba. Pero hindi ako nakipagrelasyon sa girl na yun kasi nga kami pa. I don't want to crush calamansi on her sugat noh! Well, isa lang naman yun sa mga dahilan ng break up namin. Hindi yun main reason. The main reason is, Sid hurts me whenever I did something wrong and as far as I know about relationships, if you love somebody, you don't lay a finger on that person no matter how bad that person is. Napaka-hirap tanggapin para sa akin na yung taong minahal ko pa pala ang mananakit sa akin. That's not only physically, that's emotionally too. There is no chance for us, lalo na sa ginagawa niyang ganun... kinukuha niya yung mga things ko. Damn talaga....

AAAAARRRRGGGHHHHH!!!!!!!!!!!!!

30.4.10

KAMOTE...

hay... grabe... tagal ko ring napahinga sa pagba-blog... miss ko na ang rocking chair... sana  magka laptop na talaga ako... para araw-araw, punong puno ng kalokohan este, mga karanasan sa buhay pala, itong blog ko...

naalala ko pa nung may proxy pa sa office... araw-araw akong nagba-blog... pero ngayon, blocked na yung proxy na ginagamit ko... hay naku... kelan kaya ulit ako makakapag-babad sa pc? yung hindi lang puro delinquent accounts at pangungulekta ng utang ang gagawin ko? gusto ko naman ulit magsulat ng walang kakuwenta-kuwentang mga istorya...

sayang... may story pa naman akong sinusulat... hindi ko manlang ma-she-share sa mundo kasi hindi ko ma-upload sa external e-mail ko... huhuhu... :(

hay... kamote...

5.1.10

absent...

grabe, tagal ko ring naging absent... may dahilan naman eh... kaya lang, hindi ko pwedeng sabihin dito... haha!!! delikado... anyway, nakakamiss din pala mag-blog... ay naman, parang hindi ko alam... dati na rin naman akong blogista... namiss ko talaga to... shet, bibili na nga ako ng loptop... wow, haha!!! joke!! wala naman akong pera no... pero promise... sa sobrang namimiss kong magblog, parang gusto ko nang bumili ng kahit second hand na desktop lang... sinong may alam jan na murang desktop? huhu... nalalantahan na rin ako ng tanim sa farmville kasi hindi na ko maxadong naglo-log in... grabe naman... buhay bundok ako ngayon ah...

in fairness naman... magbe-birthday na ko nitong darating na 7th... huhu... matanda na ko... 23yrs old na ko sa thursday... nabobobo na ko dito sa call center... itong darating na school year, balak kong mag-aral ulit... ang course... PSYCHOLOGY... tama ba spelling? hehe...
actually, ang gusto ko talaga, FORENSIC SCIENCE... kaya lang, ang balita ko, hindi ganun kabongga sa Pilipinas ang Forensics... hindi tulad sa ibang bansa na merong CSI Units. hay... yun pa naman ang gusto kong mangyari sa buhay ko... maging parte ng CSI Unit... hindi dahil nanonood ako nun... kundi dahil, yun talaga ang dream job ko... mahilig kasi ako sa pagiinvestigate (naks, english yun!) at panghihimasok sa buhay ng may buhay... 
sana, matupad ang pangarap ko... sana, maging isa akong CHIEF MEDICAL EXAMINER sa NBI o kaya, lipad nalang ako ng AMERICA... para dun na lang ako sa NYPD magtrabaho... hay naku...


taas ng pangarap ko ah... pag bagsak ko, isa lang ang maririnig kong tunog,,,



AaAAAaaaaAAAhHHHhhhhhH!!!! BLOG-AG!!!



nga pala, anak ko to... ang cute no? hehe... :)