on our way to Malate, nasa gitna kami ng girlfriend ko at ng anak ko.. puno na ang FX.. hay sarap.. tutok na tutok sa amin ang aircon.. maya-maya pa may naki-paabot ng bayad mula sa likod, kinuha ko at binigay sa driver ang pera niya..
LALAKI: manong bayad
FX DRIVER: saan ho to?
LALAKI: isim..
FX DRIVER: saan?
LALAKI: isim nga ho.. (pikon na si kuya)
FX DRIVER: saan ba talaga? saan yon? (pikon na rin si manong)
hindi ako nakatiis. hindi ko rin alam kung saan yung isim.. tinignan ko yung mamang nagbayad. medyo maiitim ang lalaki. matangkad at matipuno ang katawan.. in short, ganito yung mga type ni franz (lol).
naka-uniform ito ng orange na may blue na collar. kilalang-kilala ko ang uniform na ito. medyo naaliw ako at muntik na akong matawa ng malakas pero dala ng pagiging makatao ko, pinigil ko ang nagbabadyang hagalpak ng mala-demonyo kong halakhak sabay baling kay manong driver,
AKO: manong, SM daw po.
13.10.09
FX joy ride.. part 2
life is short, enjoy yours.
nung pauwi na ako galing work, sinundo ako ng gf ko. sumakay kami ng FX from Sucat to Gatchalian. madilim pa, kasi alas kwatro y media pa lang ng madaling araw eh. yung sinakyan naming FX, ayos. bagong bago pa, malamig ang aircon. yumakap ako kay gf para umidlip saglit.. maya-maya pa biglang may bumangga sa FX na sinasakyan namin. napadilat ako. isang rumaragasang 6wheeler truck ang kumaskas sa gilid ng FX. tanggal ang side mirror sa kanan. huminto ang FX at bumaba si manong driver para tingnan ang nasirang salamin. pumasok sa FX at umiling. "Nakita niyo ba yung plaka?" tanong niya sa pasahero sa tabi ng pinto sa unahan. hawak pa nito ang nauntog na noo dahil nakasandal ang ulo niya sa pinto nung mga oras na yon, para sana umidlip. hindi nakita ng pasahero ang plaka ng truck. walang sinomang nakakita dito. mabilis ang truck sa pag-andar at hindi namin alam kung hindi naramdaman ng driver nito na may nabangga siya dahil sa laki ng truck na minamaneho niya o talagang mas binilisan niya pa ang pag-andar upang makatakas sa responsibilidad. ilang araw matapos ang insidenteng ito nang mabalitaan namin na gumulong sa kalye ang sasakyan ni Sam Milby dahil sa parehong sitwasyon. nakaskas lamang ng kaunti ang gilid ng sasakyan nito. naisip ko lang ng mga oras na yon, paano kaya kung gumulong gulong din ang FX na sinakyan namin noon? nakakatakot isipin. maswerte kami ni Sam Milby dahil nabuhay kami. siguro soulmates kami. :)
sa mga truck driver na nakakabasa nito sa laptop nilang may WI-FI, hehe, sana naman maging mas maingat kayo sa pagmaneho, hindi porke't malaki ang sasakyan ninyo eh magyayabang na kayo sa kalye, tandaan niyong ang mga Jeep pa rin ang hari ng lansangan at hindi mga 6 o 10 wheeler trucks.
masarap mag-drive.. masarap ding mabuhay.

Subscribe to:
Posts (Atom)