9.10.09

di abendyurs op BENDY.. ang batang matanda..

si Bendy ay dalawang taong gulang na batang babae pa lamang ngunit kapag nakipag-usap ka sa kanya, maaari mong isipin na siya si Miriam Defensor Santiago na nagkatawang bata. marami siyang alam at kahit anong bagay na naughty na ginawa niya, kayang kaya nyang lusutan.. actually, bibo nga siyang bata eh.. alam niya kantahin yung theme song ng Darna, Stairway to Heaven, Spongebob Squarepants, Barney, kaya niya kantahin yung Bahay Kubo ng buo, Eensy Weensy Spiders, I have two Hands, Sampung mga Daliri, at yung mga kinakanta ng mga contestants sa Birit Baby. isang kanta lang ang sablay kapag kinakanta niya..

yung  L-B-C-d-e-f-g...

=========
mama: anak ng-- bakit basang basa ka?!? san ka naglaro ng tubig? hah!?!?
bendy: dunatu lalu taaaahhh.. yuuunnnn duuunnn taaaa... labat eeehhh.. yuunnn battaaa attooo nnuuuunnnn baaatttaaa!! sasi man eeehhh!!! (dun ako naglaro.. yung dun sa.. labas eh.. yung basa ako nung bata.. kasi naman eh!!!)
mama: teka nga.. (lumabas ng pinto..) hoOoOoy!! sinong bumasa sa anak ko ha?!?
mga bata (nanginginig..): wala naman pong nagbasa sa kanya eh.. siya lang po mag-isa..
mama: ikaw talaga Bendyyyy!!!! lika nga dito!!!
bendy: papa siiiiiiiiiiidddd!!!!!
=========
mga bata (mga nakasimangot): ateeeeeeeeehh!!!! si Bendy pooooooo!!! yung tatsi----
Bendy: mamaaaaa!!! aaway ato nunnn baaatttaa!
mga bata (galit na..): weeehhh!! ikaw nga jan, yung tatsingan namin inaapakan mo eh.. ate oh!!
Bendy: epal ka pala eh..
=========
PINOY HENYO with BENDY
bendy: tao ato?
mama, papa, nanay, tatay: hindeeee!!
bendy: ayup ato?
m,p,n,t: pwede..
bendy: irap aman sasi eehh.. babuy ato?
m,p,n,t: hindeee..
bendy: asim ato?
m,p,n,t: hindeee..
bendy: ka-amansi?
m,p,n,t: hindi nga!!
bendy: bastus ato?
m,p,n,t: OOOoooOoOooO!!!

ANO ANG NAKASULAT SA PAPEL NA NAKADIKIT SA NOO NI BENDY? itlog.

DIRECTOR: si Bendy
MGA TAUHAN: mama, papa, nanay, tatay, Bendy
SHOOTING PLACE: sa Gatchalian II, Las PiƱas City, bahay nina nanay at tatay

**Marami pang mga abendyurs si Bendy.. ABANGAN..

GALIT KA BA SA BAKLA??!?!?!?!???!?!!?

funny signs Pictures, Images and Photos

mamatay na ang mga galit sa BAKLA, TOMBOY, HOMOSEXUAL, TRANSGENDER, QUEER, BI-SEXUAL at mga CLOSET QUEENS/KINGS.


hindi naman namin piniling maging ganito.. hindi naman namin ginustong maging disappointment sa mga magulang namin at maging outcast sa society.. kaya kung galit ka sa mga bakla at tomboy at sa kahit ano pang klaseng nilalang na kaUri namin,




HAYUP KA, TANG-INA MO, MAMAMATAY KA RIN. GAGO KA! WALA KANG PINAG-IBA SA AMIN DAHIL LAHAT TAYO GAWA NG MAYKAPAL.. PANTAY-PANTAY SA PANINGIN NIYA.. BESIDES, KAKARMAHIN KA RIN.. DAHIL SOONER OR LATER..




MATITIKMAN MO ANG HAGUPIT NG PAGMAMAHAL NAMIN...




AT NG GALING NAMIN................ SA SEX.. :)

pooches kang vhaklushes ka!!!

lately, napansin ko na bukod sa aking konsensya, may apat na pala akong followers. atleast alam ko na ngayon na meron palang nagtatyagang magbasa ng blog ko at mag-abang ng kung anong bago. kagabi nga, nabanggit ni boss Millet Villarosa na napadaan siya sa blog ko at nabasa niya yung mga entries ko.. thanks boss.. :)napansin ko rin na yung counter ko eh lagpas na ng 200. akalain mo yun? para sa mga di nakakaalam, ang counter ko po ay hindi sinungaling. nung ginawa ko yan, yan po ay nagsimula sa numerong ZERO. feeling ko, hindi naman ako nabigo sa larangan ng pagba-blog.. dahil may readers naman ako at kahit paano, meron akong apat na bloggers na nauutong bumasa sa kalokohan ko..

sabi nga ni master Bob Ong: “Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala.”