9.10.09

pooches kang vhaklushes ka!!!

lately, napansin ko na bukod sa aking konsensya, may apat na pala akong followers. atleast alam ko na ngayon na meron palang nagtatyagang magbasa ng blog ko at mag-abang ng kung anong bago. kagabi nga, nabanggit ni boss Millet Villarosa na napadaan siya sa blog ko at nabasa niya yung mga entries ko.. thanks boss.. :)napansin ko rin na yung counter ko eh lagpas na ng 200. akalain mo yun? para sa mga di nakakaalam, ang counter ko po ay hindi sinungaling. nung ginawa ko yan, yan po ay nagsimula sa numerong ZERO. feeling ko, hindi naman ako nabigo sa larangan ng pagba-blog.. dahil may readers naman ako at kahit paano, meron akong apat na bloggers na nauutong bumasa sa kalokohan ko..

sabi nga ni master Bob Ong: “Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala.”

No comments: