ito po ay isang kwentong nakatuwaan kong isulat.. base po ito sa katotohanan at ako po ay na
-inspire sa libro ni Bob Ong na ABNKKBSNPLako?
nung high school ako.. first year, section one ako.. galing noh? talino ko eh.. tapos ang tataas ng grades ko.. kaya lang hindi ako nailalagay sa top. kasi hindi nawawala sa likod ng report card ko yung mga salitang "Very talkative."
nakakaasar.. pero okay lang.. hangga't nasa section one ako.. sige lang..
dumating yung time na kailangan na i-separate yung mga boys sa girls.. girls had to take TLE (di ko alam yung meaning niyan eh.. pero i'm sure na parang Home Economics din yan) and the boys would take Drafting. syempre, kahit ano dun sa dalawang yun eh ayaw ko attend-an dahil feeling ko, pang-nerd lang yung mga ganung bagay. buti nalang dumating si Mrs. Tamundong. yung mga mataas daw ang pangarap, ay mag-take ng admission exam for Journalism class na kapag naipasa mo, eh hindi mo na kailangan mag-TLE or Drafting. sakto to! ligtas ang lola mo sa nakaririmarim na mundo ng pagluluto at paglilinis ng bahay at sa nakaaalibadbad na buhay ng pagdo-drawing at pagta-tanim.
syempre pa, do i need to say this..? pumasa ang lola mo. almost perfect.. wrong spelling lang yung salitang Obituary. ang answer ko dun noon, NOON yun ha, ay Orbituary. okay lang.. pasado pa rin. at hindi ko na kailangan mamili between TLE or Drafting.
so instead of cooking and sewing classes, nagsusulat ako ng sari-saring feature stories sa dyaryo. ang saya ko kasi i have always wanted to be a journalist all my life. naks! hanep.. parang feeling professional agad eh noh. hehe.
first year lang ako nung sugurin ako ng nanay ng classmate kong bagong transfer from other school.. bakit kamo? kasi tinawag kong Lupin the Third yung anak niya. kasi nabalitaan namin na kaya daw yun nag-transfer eh kasi, na-kick out dahil sa laging nagnanakaw sa dati niyang school. kahit na nanlilisik yung mata nung nanay niya sa akin, i never said sorry, sabi ko, "talaga naman na magnanakaw siya eh diba?"
sabi ng mga classmtes ko sa loob ng classroom, "go gee go!"
hehe..
second year. eto na yung mga panahon na inaalat na ko sa buhay. walang pera, walang sustento galing kay papa, wala lahat. ang meron lang ako, KAIBIGAN. sa buhay, kailangan friendly ka. kasi kung wala kang kaibigan, tiyak, pupulutin ka sa kangkungan. sabi nga what you give is what you get in return. naging mabuting kaibigan ako. kailangan ko pa bang sabihin, na sa sobrang bait ko, yung sagot nila sa test, eh, carbon copy ng mga sagot ko? syempre, give and take diba? kung matalino ako sa English, matalaino din yung katabi ko sa Math. yung mga project ko sa school, dala lang ng aking pagiging friendly kaya nagagawa kong magpasa.. yung tipong, ako na gagawa nung project nila basta sagot nila yung gastos sa project ko. galing no? tuso talaga ako eh.. wais..
second year lang din ako nung nahuli ako nung baklang teacher na si Mr. Faustino na nagsa-sign of the cross dahil sinabi niyang humanda daw ako pag naging teacher ko siya sa third year. impakta daw ako.
third year. syepmre, kabado ang lola niyo. kasama sa teachers list ko si Mr. Faustino. hah! ang baklang impakta, hindi na ako naaalala. haha! swerte ko talaga. atleast, ligtas ako sa pagiging teacher's enemy number one. hindi rin naman ako nakatiis, pinaalala ko rin kay Mr. Faustino yung isnabi niya sakin na "Im going to make your third year in high scholl a living hell!" sabi niya, kembot lang daw yun. haha! oo nga naman. hindi naman talaga siya ganun kasungit eh, saka ang landi nga niya, kaya ka-close namin siya ng mga tropapips ko. balita namin, lahat ng gwapong estudyante, pasado dito sa baklang to basta ba papayag silang manood ng porno dvd kasama siya sa kwarto niya. nalaman ko na yung classmate ko nung elementary na si Joubert pala ang jowa niya nung mga panahon na yon.
third year din ako nung ipatawag ng teacher kong bakla ang nanay ko dahil nakikipagbatuhan ako ng papel sa mga classmates kong lalaki. nugn pinatayo ni Mr. Sy sa unahan ng classroom, hala! ako lang pala ang babae. hehe..
dito rin sa year na to ko nakilala si Mrs. Terrible. ang teacher na hindi lang sa pangalan terrible, pati rni sa ugali at sa pagpapagawa ng assignments. harharhar!! imagine, assignment lang, 100 pages ng Araling Panlipunan na libro, i-summarize mo sa yellow page,
back to back. wag mo na itanong kung pano siya mgbigay ng SHORT QUIZ. ang oral recitation sa kanya, countries of the whole world and their capitals. bawal ang kodigo at habang meron siyang tinatanong, tumatagtaktak yung pawis mo, hindi sa kakamemorize o kakapractice ng minemorize mo na countries and their capitals, kundi sa kakadasal na sana hindi ka niya matawag o kaya sana time na.
fourth year. haaaiiss.. the most memorable year of my high school life. ang taon kung kailan, hindi na ko dependent sa family ko, pero denependent ako sa mga kaibigan ko. mula almusal, tanghalian, meryenda, hapunan at pati midnight snacks, sila ang sumasagot.
fourth year ako nung makipaghampasan ako ng notebook sa classmate kong si Marionne. kaya ayun, pinalabas kamini Ms. Espidido, RIP. habang nasa labas kami ng classroom, nakadungaw kami sa bintana at tanaw namin lahat ng mga classmate namin. lahat ng classmates namin, nakatikim ng pangba-backfight. eto rin yung time na, isa sa mga classmates ko eh hindi napigil yung sarili na mapa-poopoo sa palda. iniwanan na siya ng best friend niya at pati yung bf niya, nauna nang umuwi. hinanap ko yung bff niya.. umuwi na daw.. linshak! hindi man lang siya tinulungan? haaiiss.. cleaner pa naman ako nung araw na yun. kailangan kong linisin yung mga tumulong poopoo sa sahig. hindi siya makatayo kasi nga tutulo talaga. bilang isang taong makatao, tinulungan ko siyang tumayo at lumakad ako sa likuran niya, dikit na dikit ako sa likod niya kahit na alam kong pati yung amoy niya dumidikit na sa palda ko. sige lakad, lakad, malapit na ang CR Sam, lakad lang. pagdating dun, syempre, puti ang tiles ng sahig, kitang kita yung mga tulo ng poopoo niya. pinapasok ko siya sa cubicle at sabi ko sa kanya, iabot niya sa akin yung panty niya at yung shorts niya para mabanlawan ko sa lababo, eh di syempre, binigay niya.
hala! masuka-suka ako sa amoy habang kinukusot ko. at sa sobrang busy ko, hindi ko namalayan, si Manang Janitress pala, nakatayo na sa pinto ng CR, titig na titig sa panty sa kamay ko at sa mga tulo ng poopoo sa sahig. ang sama ng titig niya sakin, sabay sigaw ng, "Hoy! Linisin mo yang tae mo ha! Ang tanda tanda mo na, tumatae ka pa sa salawal! Hala, hayan ang mop, lampasuhin mo yan at ayokong may matitirang tae dyan sa sahig ha!"
OMG.. si Manang, advanced thinking without knowing.
okay lang, masaya ako na nakatulong ako sa kapwa ko, kahit napagbintangan akong ako yung tumae sa salawal. hinatid ko si classmate hanggang makasakay siya sa tryke. pagsakay ko sa jip pauwi, napansin kong nakatingin sakin yungmga tao. yun pala, dumukit na sakin yung amoy ni classmate. at may patak pa ng poopoo yung laylayan ng palda ko. haiiiss..
sa year ito ko rin naranasan na makaaway ng husto ang iba kong teachers. yung isa, mejo may hotflash yata, mainit yung ulo at hindi nagustuhan yung biro ko kaya hanggang maka-graduate ako, eh hindi na ako pinansin. samantalang ako ang favorite niyang student. kahit nung nag-demo siya at may mga nanonood na ibang mga teachers, hindi niya ako tinatawag. kahit na wala nang ibang nagtataas ng kamay at kamay ko nalang ang nakikita niya. minsan napipilitan siyang tawagin ako, minsan naman napipilitan akong sabihin sa mga barkada ko yung sagot para sila nalang tumaas ng kamay.
yung isang teacher ko naman na kyorang kyora sa ganda ko, binigyan ako ng 74 sa card. samantalang consistent na 84-85 ang grades ko sa kanya mula first to third grading. bakit kamo? nakita niya akong pumasok sa bahay ng lalaking crush na crush niya at akala niya eh umaakyat ako ng ligaw. aba! nung kinaumagahan eh paringgan ba naman ako na nanliligaw ng lalaki at mahilig daw ako sa gintong DAKS.. hellouer? ano yung DAKS? sabi ko sa kanya, sige, hubaran mo yan si Robbie, pag ginto agn DAKS niyan, isusubo ko sa harap mo mismo. tameme siya. kampi sakin lahat ng mga classmates ko. walang siyang ibang naisip na paraan para gumanti kundi bigyan ako ng tumataginting ng 74 sa card nung finale.
dito ko naranasang main-love ng todo. first love. haaiiss.. si Shan. buhay pa kaya yun ngayon? hindi naman niya ako pinapansin. sa totoo lang, papampam akong tao. hindi kumpleto ang araw ko pag wala akong binabasag. pero si Shan, kahit kailan, hindi ako nagpa-pansin sa kanya. natatakot akong ma-turn off siya sakin kahit alam ko na never siyang na-turn on sakin. first love. first time na broken hearted. nain-love siya sa isa pa naming tropa.
TROPA..
nung fourth year ko rin nakilala ang mga tunay na kaibigan na makakasama ko habang buhay. ang walang kamatayang HYPERCADAH.
yung mga classmates kong matatalino, makukulit, utak adik, kilos adik, ugaling adik. pero pagdating sa kahinaan mo, sa pangangailangan mo ng tulong, sa pagi-isa mo, anjan sila. fourth year ako. pang umaga ang klase. madaling araw aalis ng bahay para wag ma-late sa school at madaling araw din uuwi galing sa pag-tambay. kami ni Marionne, lalakad kami pauwi. kahit madaling araw na. tapos sa umaga papasok, lalakad ulit. bibili ng pandesal. kakainin sa school. aaminin king mas active pa ako sa school kesa sa bahay namin. sabi nga ng lola ko noon, yung bahay niya, tulugan at liguan ko lang. totoo yun. tamad akong umabsent. takot akong baka pag-pasok ko ulit, hindi na nila ako kaibigan. sobrang sumandig ako sa kanila. sila ang inikutan ng mundo ko. nakalimutan kong may mundo rin nga pala sila.
ngayon, kanya kanya na kami ng buhay. yung iba, nakakausap ko pa, yung iba hindi na.
yung iba nag-college, yung iba hindi na. yung iba professional na yung iba mahirap pa rin. nagtagumpay na sila sa buhay, ako naman, nagtagumpay sa pagiging nanay.
kahit na hindi na kami masyadong nagkakausap, mahal ko pa rin sila at sa lahat ng taong nagdaan, dumadaan, tumatambay at tatambay sa buhay ko, sila ang may pinakamalaking pitak sa puso ko.
high school life.. oh ang memory kay saya. nung fourth year ko lang naintindihan ng husto kung gaano kasaya ang buhay sa high school. noon ko lang rin tunay na na-appreciate yung tunay na kahulugan ng KAIBIGAN. nakakalungkot na bihira na kaming magkita-kita ngayon. nakaka-miss. asan na kaya sila ngayon?
sana wag nila kalimutan na minsan, naging HYPERCADAH kami.