damn.. i miss these people.. nabuo ang HYPERCADAH noon August 2, 2003, pagkatapos mag-practice at magperform sa isang play sa subject na MAPEH. mula noon, alam nilang magki-click sila kung sama sama nilang iguguho ang PNHS LA HUERTA ANNEX. at yun na nga, naging magkakaibigan sila. kami. sila yung mga kasama ko sa panahon na nalulungkot ako sa buhay. mga barkada habang buhay.. yeah!! HYPERCADAH forEvah!!
JOSEPH MARION CELIZ- best friendshipped ko yan. ewan ko lang sa kanya kung bestfriendshipped niya pa rin ako hanggang ngayon. malalim ang aming pinagsamahan na nabuo habang nangba-back fight kami ng mga classmates namin. nung time na yun na pinalabas kami ni Ms. Espedido dahil sa kadaldalan naming dalawa. masasabi kong sa lahat ng baklang nakilala ko sa buhay ko, si Marionne ang pinaka-nirerespeto ko. hindi ko yan nakitang nag-T.H. sa pagsuot ng pambabaeng damit o mag-muk ap ng pagka-kapal kapal. nami-miss ko na yung mga panahon na naglalakad kami sa kabilugan ng buwan habang pauwi sa aming kanya-kanyang tahanan. hahaha! akalain mo yun, ala-una ng hapon ang uwian namin from school pero uuwi kami sa haus ng ala-una ng madaling araw galing sa tambayan. hindi kami nauubusan ng joke at tawa pag magkasama kami at kahit hindi na nakakatawa, tawa pa rin kami ng tawa. actually sa sobrang lukaret namin, minsan napapanganga nalang yung ibang katropa namin sa amin eh. maaasahan ko tong baklitang to sa lahat ng bagay. nahihiya nga ako sa kanya kasi hindi ko talaga siya matulungan ngayon na wala siyang work. sana magkaroon na siya ng stable job. i wish all the luck for my bestfriendship.
FAVE PUNCHLINE: broken english and the ever bongga punch line na: "pooches kang vhaklushes ka!!!"
HIYASMIN DAPULANG- isa ko pang bestfriendshipped to. bakla rin yan sa isip, sa puso at sa salita pero ang katawan niyang kurbeysyus ay pang-babae. matalino to sa.. ewan ko kung saan subject siya matalino. kasama ko rin to sa Journalism class. mabait at pasensyosa si Yas. never ko pa siyang nakitang napikon pero nakita ko na siyang umiyak. maraming beses na yata. tungkol sa lovelife, sa personal life, sa project sa school at sa kung anik-anik pa. pero alam niyo ba, na kahit namumugto ang mga mata ni Yas, makikita mo pa rin sa mga matang iyon na matatag siyang tao at may sariling paninindigan.. minsan.
FAVE PUNCHLINE: "Gagooo!"
CHRISTIAN DACER- si pestfriend. kahit pariwara tong baklitang itu, mahal ko rin to. masayang kausap at totoong tao.. minsan. malandi si Crizzy at mahadera pero kahit ganun siya, alam mong kayang kaya ka nyang ipag-tanggol sa kahit kaninong amputserang aaway sayo. hellouer?!? ang laki kaya ng katawan nitong baklang ito. sila ni Marionne ang madalas magkasama. galing kasi sila sa J-CHAMMP. grupo rin yun ng barkadahan na rival ng HYPERCADAH. nakita ko na kung paano sila magtanggulan ni Marionne sa isang labanan. maasahan tong si Crizzy, wag lang sa Math.
FAVE PUNCHLINE: "peste daw ako sabi ni tatay!!"
JOUBERT DE GUZMAN- si Jobby na syota ni Grandma.. dati. ito ang first true love ni Marionne at ang MAJOR CAUSE ng ULTIMATE HEARTACHE niya. hehe. kaya lang mas mahaba ang hair ni Mr. Joey Faustino kesa sa bestfriendshipped ko eh kaya si Sir Baklita ang naging jowa ni Jobby. mabait si Jobby, classmate ko since elementary at matalino to sa Math.
FAVE PUNCHLINE: "mamaya na, pupunta pa ko kina Joey."
MARIEL JENNA DE LEON- si Jenna, ang malanding lesbian, harharhar! itong chubby friend ko na to eh nahahawig kay KC Concepcion. may kaya sa buhay at may sariling haus na tambayan ng HYPERCADAH. mabait rin ang nanay at tatay niya na talagang nakiki-jamming sa aming tropa.
FAVE PUNCHLINE: "bili ka pandesal bukas ha?!"
JEROME JAY DE LEON- hindi sila magkaano-ano ni Jenna. si Jerome ay ang paborito ko sa HYPER, adik rin kasi to tulad ko. para bang siya yung male counterpart ko sa grupo. kahit anong banat niya, hindi ka mauubusan ng tawa. isa pang nakakabilib sa kanya, sobrang galing niya sa Physics at Math. henyo!! matampuhin si loko pero sobrang sweet naman. ex siya ni Yas at nung mga panahon na sila pa, talagang makikita mo kung gaano ka-sweet itong tao na to. ang tyaga niyang mag-gupit gupit ng mga colored paper para gawing love letter. ay grabe.. sobrang creative. kaka-inlove.
FAVE PUNCHLINE: pag kumakanta siya ng "I'll Be"
RUDOLF CERDA- si Serg, may ka-L-an to minsan eh. bigla nalang nangyayakap at nanghihimas. hindi niya alam yung mga girls naiinis na sa kanya. pero kahit ganun, seaman na siya ngayon at financer namin siya sa mga projects namin nina Yas, Marion at Jobby sa Journalism class.
FAVE PUNCHLINE: "may gustong sumali sa atin." yan ang punchline niya pag biglang tumatahol ang mga aso habang naglalaro kami ng volleyball ng saktong alas-dose ng gabi. may "something" daw na nanonood, freaky huh?
MARY JOY GALLENERO- eto naman si Sexbomb, galing niyan sumayaw. kung anong liit niya, ganun din kaliit ang mga buto niya.. o wala yata siyang buto. ang lambot ng katawan eh. si Daisy Syete nga sya kung tawagin. successful secretary na to ngayon. hehe. buti pa sya graduate.
FAVE PUNCHLINE: "baklaaaaaaa!!"
SHAN INRI GILGEORGE ISON- hihi.. :) first love ko yan. kaya lang di niya ko love eh. haha!! mabait kasi yan saka astig sa pagsayaw. kumbaga ba, kung si Joy ang Sexbomb, sya naman si Mark Herras sa HYPER. kahit anong ipasayaw mo sa kanya, ang galing galing. affectionate din to sa mga kaibigan at palaging maaasahan. ewan ko, pero feeling ko, sinalo nya lahat ng magagandang katangian ng mga lalaki. ay hindi pala.. napagod siya sa pagsalo, kaya nung HEIGHT na ang sinasaboy ng Panginoon, nakatulog siya, hehe.. :) siya ang factory ng pad paper at quiz pad para sa HYPERCADAH.
FAVE PUNCHLINE: wala.. kasi kung hindi mo pa siya kakalabitin, hindi siya magsasalita. :)
RICH CUEVAS- si Rich naman, ang pinaka low profile sa aming lahat.. talagang mahiyain siya.. ewan ko nga kung bakit eh.. kasi cute naman siya.. :D mabait tong si Rich at kahit yata suntukin mo siya sa baga, hindi siya magrereact. balita ko, teacher na daw siya ngayon sa isang unibersidad sa Manila. ewan ko kung saan. kulang ang source ko.
FAVE PUNCHLINE: "tuyo na naman?!?!?"
JESSICA CADAYONG- eherrrrrmmnnn... talk about "motherhood", tong isang to ang parang nanay kung umasta sa grupo namin. ang sungit at parang laging may kaaway. hindi ko alam kung paano siya nakasali sa grupo pero ito lang ang alam ko, walang may gustong sumali siya. hehe.. peace Jecai :)
FAVE PUNCHLINE: "gabi na, uwi."
LOUGENE FERRER- superduperultramegatothamax na EX ni Shan. hehe. bitter?!? hindi naman. well, mahaba ang hairlalu nitong lola kong to. dahil kahit na NUMBER ONE RULE ng HYPER ang WALANG TALUHAN eh naging sila parin. maraming hinaing sa buhay tong si Louge pero kahit na maarte siya, mahal naman namin siya. este, sila lang. siya rin ang tinaguriang JENNELYN MERCADO ng grupo.. ewan ko kung bakit. hanggang ngayon hindi ko pa rin ma-gets.
FAVE PUNCHLINE: "Uy, peram ng salamin!" o kaya "Uy, makapal ba yung pulbos ko?" (hindi, pero yung mukha mo, oo)
AT AYAN PO ANG MGA MEMBERS NG HYPERCADAH.. marami kami at lahat kami ay nagmamahalan. minsan may malisya, minsan wala.
itong sa baba naman, ay mga tao na hindi man members ng HYPERCADAH ay may kontribusyon naman upang gawing makulay ang buhay ng KAPUSO BACKFIGHTERS a.k.a. HYPERCADAH :)
VINCENT YWAYAN- ang santo niñong gala. maliit ang boses, maliit sa height, maliit na baklita at pagala-gala, dahil Y ang surname niya, lagi siyang nauubusan ng upuan at kung saan may absent, dun siya uupo. kaya nga SANTO NIñONG GALA eh..
HERMIE- hindi ko na maalala yung surname niya kasi hindi naman kami ganun ka-close. siya yung baklang parang leader sa J-CHAMMP, laging siyang naka-irap sa grupo namin kasi hindi nya matanggap na umanib sa kulto namin sina Marion at Crizzy.
JIMMY LUSEBIO- sorry, hindi ako sure sa surname, pero sounds like :D bakla din to. member ng CHARLIE'S ANGELS. hahaha.. naaalala ko pa kapag nagpo-pose sila nina Marion at Crizzy ng pose ng CHARLIE'S ANGELS. ang cute nilang tignan, parang mga freakazoid lang.
MARCONI AINZA-si Cune, itong bakla na to, ang balita ko, LALAKING LALAKI NA NGAYON at may GF pa!! aba! pwede pala yun noh?!? samantalang fan pa siya noon ni Elle Woods ng Legally Blonde kaya lagi siyang may scarf sa leeg nung high school.
ARNEL NGOHO-bakla rin to. isa siyang simpleng mahirap na nilalang na pumapasok kahit butas ang damit at naka-ngiti ang sapatos. we feel for him kaya nga mahal siya ng HYPER. tahimik lang tong bading na to at hindi makabasag pinggan, pareho sila ni Vincent kaya nga nung kumanta silang dalawa ng kanta ni Kylie Minogue nung presentation sa Math, tawa kami ng tawa. imagine mo yung dalawang tahimik ng bakla biglang kakanta ng "lalala, lalalalala, lalala, lalalalala.. i just can't get you out of my head.."
JEANETTE- nakalimutan ko na yung surname niya. grabe to, babaeng baklang maton. siga.. tres kasi to eh.. nakakatakot.. hahaha!! binato ako nito ng pamaypay eh, hindi ako tinamaan. ang tinamaan niya, yung tatahi-tahimik naming classmate sa tabi ko, hahaha!! kawawa.. :)
RACHEL ANN DIMACULANGAN-friend ko to since elementary. tahimik din tong babaita na to. kahit yata suntukin mo sa bagang, walang imik. paborito siya ng HYPER.
JEFFERSON SURIGAO- etoh, magaling rin to pagdating sa kalokohan. ewan ko ba kung bakit hindi siya naging official member ng HYPER. kasama namin to sa Journalism class. matalino rin to eh, maloko nga lang..
QUEENCESS DAANTOS- si Reynang Kagandahan. maliit pero cute at sexy. ewan ko kung naging sila ni Shan pero na-link rin sila nito. mabait si Cess, in-fact gusto rin siya kasa-kasama ng HYPER eh. nakalaban ko si Queencess sa award for BEST ACTRESS, nominees kaming dalawa pati si Jessica para sa award na to sa play namin na "The Big Wave". nagpatalo na ko kaya tumawa ako ng tumawa habang uma-acting kami.. hellouer?!?! hindi naman ako ganun ka-desperada makuha yung award no, di bale kung cash yun. si Cess, umiiyak at humahagulgol na, kaya siya yung nanalo.
EHMAR EDUARTE- ewan ko ba dyan sa hunk na yan.. haha! hunk daw oh?!?! basta, naging part siya ng buhay namin.. ewan ko kung paano. close kami neto eh.. nung time na nanliligaw ako ng mga girls nung high school kami, lahat ng type ko, type nya rin.. ambisyoso.. :)
GLAIZA- i forgot her surname, buddy-buddy siya ni Marion. mahilig din sa gimik. laging present.. :)
GHINDIE HERSON TINDOY & ABIGAIL CRUZ- pareho na ngang maganda, pareho pang matalino. hay naku. pumapangalawa lang ako sa kanila pagdating sa kagandahan at talino. hanggang ngayon, hati pa rin sila sa trono ng NUMBER ONE.
marami pang mga tao ang naging bahagi ng buhay namin sa HYPERCADAH. mga tao na nagbigay ng kulay sa dati na naming makulay na naming mundo. mga taong sangkot sa aming kaligayahan at kagandahan. sayang at hindi namin classmate si Vicky Bello. mga taong pinagkunan namin ng iba't ibang happy moments at mga di matatawarang kalokohan. mga taong pinagkopyahan namin ng sagot sa test papers.
nakakamiss.. sana high school ulit kami. section two pa rin kaya ako? kung ako ang tatanungin, ayokong umalis sa Prudence. masaya ako kahit section two lang ako. atleast, dun ko naman nakilala ang mga tunay kong kaibigan. sa ngayon kami nalang nina Marion at Yas ang active. nung minsan nakita ko si Shan pero hindi ko manlang siya nayakap. haha!! kasama ko kasi yung gf ko eh. pero nakita ko yung spark sa mga mata niya.. hahaha!! MEGAnon?!? joke lang. pero talaga, na-miss ko silang lahat. as in lahat.
OFFICIAL HYPERCADAH THEME SONG
[MINSAN by ERASERHEADS]
Minsan sa may kalayaan tayo'y nagkatagpuan
May mga sariling gimik at kaya-kanyang hangad sa buhay
Sa ilalim ng iisang bubong
Mga sekretong ibinubulongKahit na anong mangyari
Kahit na saan ka man patungo
Chorus:
Ngunit ngayon kay bilis maglaho ng kahapon
Sana'y huwag kalimutan ang ating mga pinagsamahan
At kung sakaling gipitin ay laging iisipin
Na minsan tayo ay naging
Tunay namagkaibigan
Minsan ay parang wala nang bukas sa buhay natin
Inuman sa magdamag na para bang tayo'y mauubusan
Sa ilalim ng bilog na buwan
Mga tiyan nati'y walang laman
Ngunit kahit na walang pera
Ang bawat gabi'y anong saya
(Repeat chorus)
Minsan ay hindi ko na alam ang nangyayari
Kahit na anong gawin
Lahat ng bagay ay merong hangganan
Dahil ngayon tayo ay nilimot ng kahapon
Di na mapipilitang buhayin ang ating pinagsamahan
Ngunit kung sakaling mapadaan bakaIkaw ay aking tawagan
Dahil minsan tayo ay naging
Tunay na magkaibigan
**sob, sob :( MISS YOU GUYS..**
Showing posts with label high school life. Show all posts
Showing posts with label high school life. Show all posts
14.10.09
19.9.09
HIGH SCHOOL LIFE OH MY HIGH SCHOOL LIFE OH ANG MEMORY KAY SAYA
ito po ay isang kwentong nakatuwaan kong isulat.. base po ito sa katotohanan at ako po ay na
-inspire sa libro ni Bob Ong na ABNKKBSNPLako?
nung high school ako.. first year, section one ako.. galing noh? talino ko eh.. tapos ang tataas ng grades ko.. kaya lang hindi ako nailalagay sa top. kasi hindi nawawala sa likod ng report card ko yung mga salitang "Very talkative."
nakakaasar.. pero okay lang.. hangga't nasa section one ako.. sige lang..
dumating yung time na kailangan na i-separate yung mga boys sa girls.. girls had to take TLE (di ko alam yung meaning niyan eh.. pero i'm sure na parang Home Economics din yan) and the boys would take Drafting. syempre, kahit ano dun sa dalawang yun eh ayaw ko attend-an dahil feeling ko, pang-nerd lang yung mga ganung bagay. buti nalang dumating si Mrs. Tamundong. yung mga mataas daw ang pangarap, ay mag-take ng admission exam for Journalism class na kapag naipasa mo, eh hindi mo na kailangan mag-TLE or Drafting. sakto to! ligtas ang lola mo sa nakaririmarim na mundo ng pagluluto at paglilinis ng bahay at sa nakaaalibadbad na buhay ng pagdo-drawing at pagta-tanim.
syempre pa, do i need to say this..? pumasa ang lola mo. almost perfect.. wrong spelling lang yung salitang Obituary. ang answer ko dun noon, NOON yun ha, ay Orbituary. okay lang.. pasado pa rin. at hindi ko na kailangan mamili between TLE or Drafting.
so instead of cooking and sewing classes, nagsusulat ako ng sari-saring feature stories sa dyaryo. ang saya ko kasi i have always wanted to be a journalist all my life. naks! hanep.. parang feeling professional agad eh noh. hehe.
first year lang ako nung sugurin ako ng nanay ng classmate kong bagong transfer from other school.. bakit kamo? kasi tinawag kong Lupin the Third yung anak niya. kasi nabalitaan namin na kaya daw yun nag-transfer eh kasi, na-kick out dahil sa laging nagnanakaw sa dati niyang school. kahit na nanlilisik yung mata nung nanay niya sa akin, i never said sorry, sabi ko, "talaga naman na magnanakaw siya eh diba?"
sabi ng mga classmtes ko sa loob ng classroom, "go gee go!"
hehe..
second year. eto na yung mga panahon na inaalat na ko sa buhay. walang pera, walang sustento galing kay papa, wala lahat. ang meron lang ako, KAIBIGAN. sa buhay, kailangan friendly ka. kasi kung wala kang kaibigan, tiyak, pupulutin ka sa kangkungan. sabi nga what you give is what you get in return. naging mabuting kaibigan ako. kailangan ko pa bang sabihin, na sa sobrang bait ko, yung sagot nila sa test, eh, carbon copy ng mga sagot ko? syempre, give and take diba? kung matalino ako sa English, matalaino din yung katabi ko sa Math. yung mga project ko sa school, dala lang ng aking pagiging friendly kaya nagagawa kong magpasa.. yung tipong, ako na gagawa nung project nila basta sagot nila yung gastos sa project ko. galing no? tuso talaga ako eh.. wais..
second year lang din ako nung nahuli ako nung baklang teacher na si Mr. Faustino na nagsa-sign of the cross dahil sinabi niyang humanda daw ako pag naging teacher ko siya sa third year. impakta daw ako.
third year. syepmre, kabado ang lola niyo. kasama sa teachers list ko si Mr. Faustino. hah! ang baklang impakta, hindi na ako naaalala. haha! swerte ko talaga. atleast, ligtas ako sa pagiging teacher's enemy number one. hindi rin naman ako nakatiis, pinaalala ko rin kay Mr. Faustino yung isnabi niya sakin na "Im going to make your third year in high scholl a living hell!" sabi niya, kembot lang daw yun. haha! oo nga naman. hindi naman talaga siya ganun kasungit eh, saka ang landi nga niya, kaya ka-close namin siya ng mga tropapips ko. balita namin, lahat ng gwapong estudyante, pasado dito sa baklang to basta ba papayag silang manood ng porno dvd kasama siya sa kwarto niya. nalaman ko na yung classmate ko nung elementary na si Joubert pala ang jowa niya nung mga panahon na yon.
third year din ako nung ipatawag ng teacher kong bakla ang nanay ko dahil nakikipagbatuhan ako ng papel sa mga classmates kong lalaki. nugn pinatayo ni Mr. Sy sa unahan ng classroom, hala! ako lang pala ang babae. hehe..
dito rin sa year na to ko nakilala si Mrs. Terrible. ang teacher na hindi lang sa pangalan terrible, pati rni sa ugali at sa pagpapagawa ng assignments. harharhar!! imagine, assignment lang, 100 pages ng Araling Panlipunan na libro, i-summarize mo sa yellow page,
back to back. wag mo na itanong kung pano siya mgbigay ng SHORT QUIZ. ang oral recitation sa kanya, countries of the whole world and their capitals. bawal ang kodigo at habang meron siyang tinatanong, tumatagtaktak yung pawis mo, hindi sa kakamemorize o kakapractice ng minemorize mo na countries and their capitals, kundi sa kakadasal na sana hindi ka niya matawag o kaya sana time na.
fourth year. haaaiiss.. the most memorable year of my high school life. ang taon kung kailan, hindi na ko dependent sa family ko, pero denependent ako sa mga kaibigan ko. mula almusal, tanghalian, meryenda, hapunan at pati midnight snacks, sila ang sumasagot.
fourth year ako nung makipaghampasan ako ng notebook sa classmate kong si Marionne. kaya ayun, pinalabas kamini Ms. Espidido, RIP. habang nasa labas kami ng classroom, nakadungaw kami sa bintana at tanaw namin lahat ng mga classmate namin. lahat ng classmates namin, nakatikim ng pangba-backfight. eto rin yung time na, isa sa mga classmates ko eh hindi napigil yung sarili na mapa-poopoo sa palda. iniwanan na siya ng best friend niya at pati yung bf niya, nauna nang umuwi. hinanap ko yung bff niya.. umuwi na daw.. linshak! hindi man lang siya tinulungan? haaiiss.. cleaner pa naman ako nung araw na yun. kailangan kong linisin yung mga tumulong poopoo sa sahig. hindi siya makatayo kasi nga tutulo talaga. bilang isang taong makatao, tinulungan ko siyang tumayo at lumakad ako sa likuran niya, dikit na dikit ako sa likod niya kahit na alam kong pati yung amoy niya dumidikit na sa palda ko. sige lakad, lakad, malapit na ang CR Sam, lakad lang. pagdating dun, syempre, puti ang tiles ng sahig, kitang kita yung mga tulo ng poopoo niya. pinapasok ko siya sa cubicle at sabi ko sa kanya, iabot niya sa akin yung panty niya at yung shorts niya para mabanlawan ko sa lababo, eh di syempre, binigay niya.
hala! masuka-suka ako sa amoy habang kinukusot ko. at sa sobrang busy ko, hindi ko namalayan, si Manang Janitress pala, nakatayo na sa pinto ng CR, titig na titig sa panty sa kamay ko at sa mga tulo ng poopoo sa sahig. ang sama ng titig niya sakin, sabay sigaw ng, "Hoy! Linisin mo yang tae mo ha! Ang tanda tanda mo na, tumatae ka pa sa salawal! Hala, hayan ang mop, lampasuhin mo yan at ayokong may matitirang tae dyan sa sahig ha!"
OMG.. si Manang, advanced thinking without knowing.
okay lang, masaya ako na nakatulong ako sa kapwa ko, kahit napagbintangan akong ako yung tumae sa salawal. hinatid ko si classmate hanggang makasakay siya sa tryke. pagsakay ko sa jip pauwi, napansin kong nakatingin sakin yungmga tao. yun pala, dumukit na sakin yung amoy ni classmate. at may patak pa ng poopoo yung laylayan ng palda ko. haiiiss..
sa year ito ko rin naranasan na makaaway ng husto ang iba kong teachers. yung isa, mejo may hotflash yata, mainit yung ulo at hindi nagustuhan yung biro ko kaya hanggang maka-graduate ako, eh hindi na ako pinansin. samantalang ako ang favorite niyang student. kahit nung nag-demo siya at may mga nanonood na ibang mga teachers, hindi niya ako tinatawag. kahit na wala nang ibang nagtataas ng kamay at kamay ko nalang ang nakikita niya. minsan napipilitan siyang tawagin ako, minsan naman napipilitan akong sabihin sa mga barkada ko yung sagot para sila nalang tumaas ng kamay.
yung isang teacher ko naman na kyorang kyora sa ganda ko, binigyan ako ng 74 sa card. samantalang consistent na 84-85 ang grades ko sa kanya mula first to third grading. bakit kamo? nakita niya akong pumasok sa bahay ng lalaking crush na crush niya at akala niya eh umaakyat ako ng ligaw. aba! nung kinaumagahan eh paringgan ba naman ako na nanliligaw ng lalaki at mahilig daw ako sa gintong DAKS.. hellouer? ano yung DAKS? sabi ko sa kanya, sige, hubaran mo yan si Robbie, pag ginto agn DAKS niyan, isusubo ko sa harap mo mismo. tameme siya. kampi sakin lahat ng mga classmates ko. walang siyang ibang naisip na paraan para gumanti kundi bigyan ako ng tumataginting ng 74 sa card nung finale.
dito ko naranasang main-love ng todo. first love. haaiiss.. si Shan. buhay pa kaya yun ngayon? hindi naman niya ako pinapansin. sa totoo lang, papampam akong tao. hindi kumpleto ang araw ko pag wala akong binabasag. pero si Shan, kahit kailan, hindi ako nagpa-pansin sa kanya. natatakot akong ma-turn off siya sakin kahit alam ko na never siyang na-turn on sakin. first love. first time na broken hearted. nain-love siya sa isa pa naming tropa.
TROPA..
nung fourth year ko rin nakilala ang mga tunay na kaibigan na makakasama ko habang buhay. ang walang kamatayang HYPERCADAH.
yung mga classmates kong matatalino, makukulit, utak adik, kilos adik, ugaling adik. pero pagdating sa kahinaan mo, sa pangangailangan mo ng tulong, sa pagi-isa mo, anjan sila. fourth year ako. pang umaga ang klase. madaling araw aalis ng bahay para wag ma-late sa school at madaling araw din uuwi galing sa pag-tambay. kami ni Marionne, lalakad kami pauwi. kahit madaling araw na. tapos sa umaga papasok, lalakad ulit. bibili ng pandesal. kakainin sa school. aaminin king mas active pa ako sa school kesa sa bahay namin. sabi nga ng lola ko noon, yung bahay niya, tulugan at liguan ko lang. totoo yun. tamad akong umabsent. takot akong baka pag-pasok ko ulit, hindi na nila ako kaibigan. sobrang sumandig ako sa kanila. sila ang inikutan ng mundo ko. nakalimutan kong may mundo rin nga pala sila.
ngayon, kanya kanya na kami ng buhay. yung iba, nakakausap ko pa, yung iba hindi na.
yung iba nag-college, yung iba hindi na. yung iba professional na yung iba mahirap pa rin. nagtagumpay na sila sa buhay, ako naman, nagtagumpay sa pagiging nanay.
kahit na hindi na kami masyadong nagkakausap, mahal ko pa rin sila at sa lahat ng taong nagdaan, dumadaan, tumatambay at tatambay sa buhay ko, sila ang may pinakamalaking pitak sa puso ko.
high school life.. oh ang memory kay saya. nung fourth year ko lang naintindihan ng husto kung gaano kasaya ang buhay sa high school. noon ko lang rin tunay na na-appreciate yung tunay na kahulugan ng KAIBIGAN. nakakalungkot na bihira na kaming magkita-kita ngayon. nakaka-miss. asan na kaya sila ngayon?
sana wag nila kalimutan na minsan, naging HYPERCADAH kami.
Labels:
BARKADA,
high school life,
kaibigan,
teachers
Subscribe to:
Comments (Atom)















