14.10.09

HYPERCADAH and all that jazz.. :)

damn.. i miss these people.. nabuo ang HYPERCADAH noon August 2, 2003, pagkatapos mag-practice at magperform sa isang play sa subject na MAPEH. mula noon, alam nilang magki-click sila kung sama sama nilang iguguho ang PNHS LA HUERTA ANNEX. at yun na nga, naging magkakaibigan sila. kami. sila yung mga kasama ko sa panahon na nalulungkot ako sa buhay. mga barkada habang buhay.. yeah!! HYPERCADAH forEvah!!


JOSEPH MARION CELIZ- best friendshipped ko yan. ewan ko lang sa kanya kung bestfriendshipped niya pa rin ako hanggang ngayon. malalim ang aming pinagsamahan na nabuo habang nangba-back fight kami ng mga classmates namin. nung time na yun na pinalabas kami ni Ms. Espedido dahil sa kadaldalan naming dalawa. masasabi kong sa lahat ng baklang nakilala ko sa buhay ko, si Marionne ang pinaka-nirerespeto ko. hindi ko yan nakitang nag-T.H. sa pagsuot ng pambabaeng damit o mag-muk ap ng pagka-kapal kapal. nami-miss ko na yung mga panahon na naglalakad kami sa kabilugan ng buwan habang pauwi sa aming kanya-kanyang tahanan. hahaha! akalain mo yun, ala-una ng hapon ang uwian namin from school pero uuwi kami sa haus ng ala-una ng madaling araw galing sa tambayan. hindi kami nauubusan ng joke at tawa pag magkasama kami at kahit hindi na nakakatawa, tawa pa rin kami ng tawa. actually sa sobrang lukaret namin, minsan napapanganga nalang yung ibang katropa namin sa amin eh. maaasahan ko tong baklitang to sa lahat ng bagay. nahihiya nga ako sa kanya kasi hindi ko talaga siya matulungan ngayon na wala siyang work. sana magkaroon na siya ng stable job. i wish all the luck for my bestfriendship.
FAVE PUNCHLINE: broken english and the ever bongga punch line na: "pooches kang vhaklushes ka!!!"


HIYASMIN DAPULANG- isa ko pang bestfriendshipped to. bakla rin yan sa isip, sa puso at sa salita pero ang katawan niyang kurbeysyus ay pang-babae. matalino to sa.. ewan ko kung saan subject siya matalino. kasama ko rin to sa Journalism class. mabait at pasensyosa si Yas. never ko pa siyang nakitang napikon pero nakita ko na siyang umiyak. maraming beses na yata. tungkol sa lovelife, sa personal life, sa project sa school at sa kung anik-anik pa. pero alam niyo ba, na kahit namumugto ang mga mata ni Yas, makikita mo pa rin sa mga matang iyon na matatag siyang tao at may sariling paninindigan.. minsan.
FAVE PUNCHLINE:
"Gagooo!"



CHRISTIAN DACER- si pestfriend. kahit pariwara tong baklitang itu, mahal ko rin to. masayang kausap at totoong tao.. minsan. malandi si Crizzy at mahadera pero kahit ganun siya, alam mong kayang kaya ka nyang ipag-tanggol sa kahit kaninong amputserang aaway sayo. hellouer?!? ang laki kaya ng katawan nitong baklang ito. sila ni Marionne ang madalas magkasama. galing kasi sila sa J-CHAMMP. grupo rin yun ng barkadahan na rival ng HYPERCADAH. nakita ko na kung paano sila magtanggulan ni Marionne sa isang labanan. maasahan tong si Crizzy, wag lang sa Math.
FAVE PUNCHLINE: "peste daw ako sabi ni tatay!!"


JOUBERT DE GUZMAN- si Jobby na syota ni Grandma.. dati. ito ang first true love ni Marionne at ang MAJOR CAUSE ng ULTIMATE HEARTACHE niya. hehe. kaya lang mas mahaba ang hair ni Mr. Joey Faustino kesa sa bestfriendshipped ko eh kaya si Sir Baklita ang naging jowa ni Jobby. mabait si Jobby, classmate ko since elementary at matalino to sa Math.
FAVE PUNCHLINE: "mamaya na, pupunta pa ko kina Joey."


MARIEL JENNA DE LEON- si Jenna, ang malanding lesbian, harharhar! itong chubby friend ko na to eh nahahawig kay KC Concepcion. may kaya sa buhay at may sariling haus na tambayan ng HYPERCADAH. mabait rin ang nanay at tatay niya na talagang nakiki-jamming sa aming tropa.
FAVE PUNCHLINE: "bili ka pandesal bukas ha?!"


JEROME JAY DE LEON- hindi sila magkaano-ano ni Jenna. si Jerome ay ang paborito ko sa HYPER, adik rin kasi to tulad ko. para bang siya yung male counterpart ko sa grupo. kahit anong banat niya, hindi ka mauubusan ng tawa. isa pang nakakabilib sa kanya, sobrang galing niya sa Physics at Math. henyo!!  matampuhin si loko pero sobrang sweet naman. ex siya ni Yas at nung mga panahon na sila pa, talagang makikita mo kung gaano ka-sweet itong tao na to. ang tyaga niyang mag-gupit gupit ng mga colored paper para gawing love letter. ay grabe.. sobrang creative. kaka-inlove.
FAVE PUNCHLINE: pag kumakanta siya ng "I'll Be"


RUDOLF CERDA- si Serg, may ka-L-an to minsan eh. bigla nalang nangyayakap at nanghihimas. hindi niya alam yung mga girls naiinis na sa kanya. pero kahit ganun, seaman na siya ngayon at financer namin siya sa mga projects namin nina Yas, Marion at Jobby sa Journalism class.
FAVE PUNCHLINE: "may gustong sumali sa atin." yan ang punchline niya pag biglang tumatahol ang mga aso habang naglalaro kami ng volleyball ng saktong alas-dose ng gabi. may "something" daw na nanonood, freaky huh?


MARY JOY GALLENERO- eto naman si Sexbomb, galing niyan sumayaw. kung anong liit niya, ganun din kaliit ang mga buto niya.. o wala yata siyang buto. ang lambot ng katawan eh. si Daisy Syete nga sya kung tawagin. successful secretary na to ngayon. hehe. buti pa sya graduate.
FAVE PUNCHLINE: "baklaaaaaaa!!"


SHAN INRI GILGEORGE ISON- hihi.. :) first love ko yan. kaya lang di niya ko love eh. haha!! mabait kasi yan saka astig sa pagsayaw. kumbaga ba, kung si Joy ang Sexbomb, sya naman si Mark Herras sa HYPER. kahit anong ipasayaw mo sa kanya, ang galing galing. affectionate din to sa mga kaibigan at palaging maaasahan. ewan ko, pero feeling ko, sinalo nya lahat ng magagandang katangian ng mga lalaki. ay hindi pala.. napagod siya sa pagsalo, kaya nung HEIGHT na ang sinasaboy ng Panginoon, nakatulog siya, hehe.. :) siya ang factory ng pad paper at quiz pad para sa HYPERCADAH.
FAVE PUNCHLINE: wala.. kasi kung hindi mo pa siya kakalabitin, hindi siya magsasalita. :)


RICH CUEVAS-  si Rich naman, ang pinaka low profile sa aming lahat.. talagang mahiyain siya.. ewan ko nga kung bakit eh.. kasi cute naman siya.. :D mabait tong si Rich at kahit yata suntukin mo siya sa baga, hindi siya magrereact. balita ko, teacher na daw siya ngayon sa isang unibersidad sa Manila. ewan ko kung saan. kulang ang source ko.
FAVE PUNCHLINE: "tuyo na naman?!?!?"


JESSICA CADAYONG- eherrrrrmmnnn... talk about "motherhood", tong isang to ang parang nanay kung umasta sa grupo namin. ang sungit at parang laging may kaaway. hindi ko alam kung paano siya nakasali sa grupo pero ito lang ang alam ko, walang may gustong sumali siya. hehe.. peace Jecai :)
FAVE PUNCHLINE: "gabi na, uwi."


LOUGENE FERRER- superduperultramegatothamax na EX ni Shan. hehe. bitter?!? hindi naman. well, mahaba ang hairlalu nitong lola kong to. dahil kahit na NUMBER ONE RULE ng HYPER ang WALANG TALUHAN eh naging sila parin. maraming hinaing sa buhay tong si Louge pero kahit na maarte siya, mahal naman namin siya. este, sila lang. siya rin ang tinaguriang JENNELYN MERCADO ng grupo.. ewan ko kung bakit. hanggang ngayon hindi ko pa rin ma-gets.
FAVE PUNCHLINE: "Uy, peram ng salamin!" o kaya "Uy, makapal ba yung pulbos ko?" (hindi, pero yung mukha mo, oo)


AT AYAN PO ANG MGA MEMBERS NG HYPERCADAH.. marami kami at lahat kami ay nagmamahalan. minsan may malisya, minsan wala.
itong sa baba naman, ay mga tao na hindi man members ng HYPERCADAH ay may kontribusyon naman upang gawing makulay ang buhay ng KAPUSO BACKFIGHTERS a.k.a. HYPERCADAH :)


VINCENT YWAYAN- ang santo niñong gala. maliit ang boses, maliit sa height, maliit na baklita at pagala-gala, dahil Y ang surname niya, lagi siyang nauubusan ng upuan at kung saan may absent, dun siya uupo. kaya nga SANTO NIñONG GALA eh..


HERMIE- hindi ko na maalala yung surname niya kasi hindi naman  kami ganun ka-close. siya yung baklang parang leader sa J-CHAMMP, laging siyang naka-irap sa grupo namin kasi hindi nya matanggap na umanib sa kulto namin sina Marion at Crizzy.


JIMMY LUSEBIO- sorry, hindi ako sure sa surname, pero sounds like :D bakla din to. member ng CHARLIE'S ANGELS. hahaha.. naaalala ko pa kapag nagpo-pose sila  nina Marion at Crizzy ng pose ng CHARLIE'S ANGELS. ang cute nilang tignan, parang mga freakazoid lang.


MARCONI AINZA-si Cune, itong bakla na to, ang balita ko, LALAKING LALAKI NA NGAYON at may GF pa!! aba! pwede pala yun noh?!? samantalang fan pa siya noon ni Elle Woods ng Legally Blonde kaya lagi siyang may scarf sa leeg nung high school.


ARNEL NGOHO-bakla rin to. isa siyang simpleng mahirap na nilalang na pumapasok kahit butas ang damit at naka-ngiti ang sapatos.  we feel for him kaya nga mahal siya ng HYPER. tahimik lang tong bading na to at hindi makabasag pinggan, pareho sila ni Vincent kaya nga nung kumanta silang dalawa ng kanta ni Kylie Minogue nung presentation sa Math, tawa kami ng tawa. imagine mo yung dalawang tahimik ng bakla biglang kakanta ng "lalala, lalalalala, lalala, lalalalala.. i just can't get you out of my head.."


JEANETTE- nakalimutan ko na yung surname niya. grabe to, babaeng baklang maton. siga.. tres kasi to eh.. nakakatakot.. hahaha!! binato ako nito ng pamaypay eh, hindi ako tinamaan. ang tinamaan niya, yung tatahi-tahimik naming classmate sa tabi ko, hahaha!! kawawa.. :)


RACHEL ANN DIMACULANGAN-friend ko to since elementary. tahimik din tong babaita na to. kahit yata suntukin mo sa bagang, walang imik. paborito siya ng HYPER.


JEFFERSON SURIGAO- etoh, magaling rin to pagdating sa kalokohan. ewan ko ba kung bakit hindi siya naging official member ng HYPER. kasama namin to sa Journalism class. matalino rin to eh, maloko nga lang..


QUEENCESS DAANTOS- si Reynang Kagandahan. maliit pero cute at sexy. ewan ko kung naging sila ni Shan pero na-link rin sila nito. mabait si Cess, in-fact gusto rin siya kasa-kasama ng HYPER eh. nakalaban ko si Queencess sa award for BEST ACTRESS, nominees kaming dalawa pati si Jessica para sa award na to sa play namin na "The Big Wave". nagpatalo na ko kaya tumawa ako ng tumawa habang uma-acting kami.. hellouer?!?! hindi naman ako ganun ka-desperada makuha yung award no, di bale kung cash yun. si Cess, umiiyak at humahagulgol na, kaya siya yung nanalo. 


EHMAR EDUARTE- ewan ko ba dyan sa hunk na yan.. haha! hunk daw oh?!?! basta, naging part siya ng buhay namin.. ewan ko kung paano. close kami neto eh.. nung time na nanliligaw ako ng mga girls nung high school kami, lahat ng type ko, type nya rin.. ambisyoso.. :)


GLAIZA- i forgot her surname, buddy-buddy siya ni Marion. mahilig din sa gimik. laging present.. :)


GHINDIE HERSON TINDOY & ABIGAIL CRUZ- pareho na ngang maganda, pareho pang matalino. hay naku. pumapangalawa lang ako sa kanila pagdating sa kagandahan at talino. hanggang ngayon, hati pa rin sila sa trono ng NUMBER ONE.


marami pang mga tao ang naging bahagi ng buhay namin sa HYPERCADAH. mga tao na nagbigay ng kulay sa dati na naming makulay na naming mundo. mga taong sangkot sa aming kaligayahan at kagandahan. sayang at hindi namin classmate si Vicky Bello. mga taong pinagkunan namin ng iba't ibang happy moments at mga di matatawarang kalokohan. mga taong pinagkopyahan namin ng sagot sa test papers.


nakakamiss.. sana high school ulit kami. section two pa rin kaya ako? kung ako ang tatanungin, ayokong umalis sa Prudence. masaya ako kahit section two lang ako. atleast, dun ko naman nakilala ang mga tunay kong kaibigan. sa ngayon kami nalang nina Marion at Yas ang active. nung minsan nakita ko si Shan pero hindi ko manlang siya nayakap. haha!! kasama ko kasi yung gf ko eh. pero nakita ko yung spark sa mga mata niya.. hahaha!! MEGAnon?!? joke lang. pero talaga, na-miss ko silang lahat. as in lahat.


OFFICIAL HYPERCADAH THEME SONG
[MINSAN by ERASERHEADS]
Minsan sa may kalayaan tayo'y nagkatagpuan
May mga sariling gimik at kaya-kanyang hangad sa buhay
Sa ilalim ng iisang bubong
Mga sekretong ibinubulongKahit na anong mangyari
Kahit na saan ka man patungo
Chorus:
Ngunit ngayon kay bilis maglaho ng kahapon
Sana'y huwag kalimutan ang ating mga pinagsamahan
At kung sakaling gipitin ay laging iisipin
Na minsan tayo ay naging
Tunay namagkaibigan
Minsan ay parang wala nang bukas sa buhay natin
Inuman sa magdamag na para bang tayo'y mauubusan
Sa ilalim ng bilog na buwan
Mga tiyan nati'y walang laman
Ngunit kahit na walang pera
Ang bawat gabi'y anong saya
(Repeat chorus)
Minsan ay hindi ko na alam ang nangyayari
Kahit na anong gawin
Lahat ng bagay ay merong hangganan
Dahil ngayon tayo ay nilimot ng kahapon
Di na mapipilitang buhayin ang ating pinagsamahan
Ngunit kung sakaling mapadaan bakaIkaw ay aking tawagan
Dahil minsan tayo ay naging
Tunay na magkaibigan


**sob, sob :( MISS YOU GUYS..**

No comments: