Masaya ang Undas ko.. Grand Reunion kasi ng Rafol Clan. Merong ilan na hindi nakapunta. Yung Tito ko na nasa Lebanon at yung asawa't bunso niya at yung buong pamilya ng Tito ko na nasa Samar. Ganun pa man, dumating ang mga panganay nilang anak na siyang mga naging representative ng nila. Dumating yung pinsan kong matagal na naming hindi nakikita kasi yung nanay niya, nanlalaki, pati siya tuloy, inilayo na rin sa amin. Ang tatay nito na si Tito Bong ay nag-asawa na lang ng iba at sumama sa naging asawa niya para tumira sa Samar. Grabe, ang tangkad niya, matangkad pa sakin... huhuhu..
Nagluto si Tita Beng ng Pork in Red Beans at gumawa ng Letseplan na may keso. Si Tito Boy naman ay nagluto ng Pancit na specialty niya bilang isang chef sa barko at may dala rin silang Suman na galing pa ng Batangas. Si Tita Neneng ay nagluto ng Guinataang Langka. Ang ambag naman nina Kuya Jheg na pinsan ko at ng asawa niyang si Ate Ghyn ay Inihaw na Tilapia at Liempo. Sagot na ng ibang mga barako ang alak at iba pang pulutan. Yung Red Beans ni Tita Beng, hindi na inabot ng tanghalian. Ubos agad at lahat ng kaldero, taob. Bumaha rin ng Alak at RC.. (RC? ...yung "penge naman ako niyan" ni Maja Salvador...)
Noon, si Lolo pa lang ang patay, sa lumang sementeryo siya nakalibing at malapad ang nitso niya. Lahat ng pami-pamilya ay kanya-kanyang dala ng kandila at kaming mga bata naman, pupunuin namin ng kandila yung ibabaw ng nitso ni Lolo. Yung ibang mga tao, nakatingin sa nitso ng Lolo namin kasi nagliliwanag talaga ito sa kandila. Wala kaming itinitirang space at wal rin kaming pakialam kung bagong pintura yung nitso ni Lolo, hehe. Nung namatay si Lola, inilipat ang nitso ni Lolo sa bagong sementeryo at yung mga buto niya, ipinasok sa ataul ni Lola. Bale, isang apartment nalang yung kinahi-himlayan nilang dalawa. Alam niyo naman siguro yung itsura ng apartment na libingan diba? Kaunti lang yung space para paglagyan ng kandila. Nakakalungkot kasi kung dati mahigit isandaang kandila yung pwede naming itirik sa nitso ni Lolo, ngayon, walong kandila nalang ang pwedeng itirik sa apartment nila ni Lola.
Nung nagsindi kami ng mga pinsan ko ng kandila, sabi ko, "O sige, kung kaninong kandila yung mamamatay, ibig sabihin galit sa kanya si Lola..." Tapos, unang namatay ynug kandila ko. Eto namang si Tito Nunoy, yung pinaka-cute kong tito sinindihan yung kandila sa ibabaw ng apartment nina Lolo at Lola. Sabi ko ulet, "To't, kilala mo ba yan?" Tinignan niya yung pangalan na nasa nitso, "Hinde," sabi niya. Sumabat naman si Kuya Santy, "Eh, tol, Jimenez yung apelyido, katunog naman ng surname ni Lola eh, Tomines. Malapit na ting kamag-anak yan." "Pare, pwede!! Pwedeeee!!!" sabi naman ng mga pinsan kong barako, mga lasing na. Si Kuya Jason, ynug pinsan kong mala-kapre sa tangkad, sa sobrang kalasingan, isinubsob yung mukha sa isang nitso doon. Umentra si Pinsang Jheg, "Pare, tama na, tama na yan, huminahon ka!" "Pare ang sakit eh.. Ang sakit sakit!!" sagot ni Kuya Jason. "Alam ko pare, pero hindi yan ang nitso ni Lola, eto..."
Sa bahay naman nina Pinsang Jheg, nagiinuman ang mga pinsan kong barako kasama ang asawa ko. Si Pinsang Jhay-R ay minsan lamang mapasama sa mga barakong yon kaya pinag-tripan siya. Eh pag pinagjoin-forces mo pa naman sina Kuya Santy, Pinsang Jason at Pinsang Jheg eh para ka na ring nag patiwakal gamit ang bayoneta ng mga hapon... Ganito ang topic:
SANTY: Hindi nga JR, bakit nga ba JHAY-STAR ang nakalagay sa Friendster mo?
JHEG: Oo nga naman, pwede naman kasing JHAY-BUNGO o kaya JHAY-MATON... Bakit JHAY-STAR?
JASON: May dapat ba kaming malaman tol?
SANTY: Eh kasi nga, bakla!!
YUNG TATLO (tahimik lang jowa ko noh!): BWAHAHAHAHA!!!
JHEG: Bakit ba kasi wala ka pang girlfriend hanggang ngayon? Umamin na kasi,,, tayo tayo lang naman eh...
JHAY-R: Hindi, kasi ganito yun eh, nademanda kasi ako, dahil nagdala ako ng 15 yrs old sa bahay---
JHEG: 50 pare? Eh uugud-ugud na yun eh!!
YUNG TATLO ULET: BWAHAHAHAHAH!!
JHAY-R: Hindi mga tol... 15, one-five!!
JASON: (tulug na)
SANTY: (bumubungisngis)
JHEG: Aaahh.. One five yung binayad sayo nung 50 yrs old. Mga pare, baka tinulungan niyang tumawid.. hehehe...
SANTY: (halatang lasing na.. bumubungisngis pa rin)
JASON: (umakyat na sa taas para matulog, hindi na kaya...)
JHEG: Kasi pare, diba? Pwede naman kasing JHAY-BUNGO yung name mo eh, ano ka ba talaga? Tapos wala ka pang syota, pumatol ka pa sa 50!! BWAHAHAHA!!
JHAY-R: (obvious na pikon na...) Ewan ko lang...
BABY KEVIN: (umiiyak.. hinagis ni SANTY sa kisame.. nauntog..)
ATE LHEN: (sumisigaw... hila-hila si Jason papunta sa CR) Momma!!! Si Jason, muntik na umihi sa aquarium dun sa taas!!!
SID (asawa ko): (tahimik lang, siya ang tanggero.. hindi alam nung apat na hindi na siya umiinom kanina pa..)
JHEG: BWAHAHAHAHA!!
JHAY-R: (nakatungo, hindi makumbinsi ang pinsan na hindi siya bakla...)
SANTY: (tulala... nagsisisi sa ginawa sa anak, may bukol si Baby Kevin sa noo...)
JASON: (BLAGAG!! bumagsak sa CR...)
Lesbian ang asawa ko. Pero nung dumating kami sa Reunion, wala kaming naramdamang pandidiri sa mga kamag-anak ko. Puro kasiyahan lamang ang nararamdaman ng bawat isa. Medyo matagal na rin mula nung huling reunion ng Rafol Clan. Likas sa Rafol Clan ang pagiging mahadero at mahadera at malakas mang-asar. Kung mapipikon ka sa mga panga-asar nila/namin, pwes hindi ka pwedeng makihalubilo sa angkan namin. Kaya nga si Sid, oks sa kanila, kasi magaling makisalamuha at hindi pikunin.. Ang saya talaga ng Undas ko. Tanggap na nila ang relasyon namin ni Sid. Marami pang nangyari, nakakatuwa lahat. Walang nakakalungkot...
Ikaw? Masaya ba ang Undas mo? O kasing lungkot ng dinalaw mo ang Nov 1 mo?
:)
3.11.09
Subscribe to:
Posts (Atom)