24.9.09

BANGUNGOT

nakita kita,
hawak ang kamay niya.
umaawit sa saliw ng gitara.
nakangiti hindi lang labi,
kundi pati mata.


ako'y tahimik,
walang imik.
pagkat ako'y nananabik
sa iyong mga yakap at
iyong mainit na halik.


nais kitang tawagin
upang ako'y iyong lingunin.
ngunit umid ang dila
ng sayo'y humahanga,
tingin lang ang kayang gawin.


bigla kang tumayo,
lumakad ng palayo,
hahabol sana ako
ngunit ang puso ko'y takot
na baka mabigo lang sayo.


dumaloy ang luha
sa aking mga mata.
di ko alam kung bakit
ako'y sumisigaw
na tila nagdurusa.


pinilit kong sabihin,
ako'y iyong dinggin.
habulin ka at yakapin,
hawakan ang iyong kamay
na di kayang abutin.


ngunit ika'y humarap,
ako'y iyong niyakap.
isa palang masamang panaginip
ang aking nakita
akin kana pala.

BAWAL DAW TO SABI NINA NANAY AT TATAY..

mga bagay na ipinagbabawal ng magulang natin.. pero sila mismo ang gumagawa..




> magmura- si nanay at tatay, panay ang sampal sa bibig natin kapag nakakaringgan nila tayo ng words like p*tang ina, gago, ulo, etc.


> maglakwatsa- "uwi pa ba yan ng matinong kabataan?" yan! ganyan ang madalas natin marinig from them.. samantalang si tatay, laging madaling araw na umuwi, galing daw sa meeting, wala namang work.


> sumabat sa usapan ng matatanda- ang mga nanay naman natin, bumubula ang bibig sa harap ng tindahan ni aling selya. may hawak pang hopia at softdrinks na parang aabutin sila dun ng hapunan, samantalang alas otso palang ng umaga.


> magsugal- hay naku.. si nanay nga naman oo.. maka-sabi na wag daw tayong magsusugal, samantalang ayun sya sa kanto.. sa harap ulit ng tindahan ng bad influence na si aling selya.. sumisigaw ng "sa B, biten!!"


> sumagot sa magulang- kapag sinasagot natin ang mga magulang natin, parang feeling nila, katapusan na ng mundo.. na parang gusto nilang ipasuka lahat ng bigas na pinalamon nila sa atin.. eh sila nga eh.. naririnig din natni silang sumasagot sa mga lolo at lola natin.. haaaiiisss...


mahal ko ang mga magulang ko.. pero bakit ganun sila? why can't they just accept the fact na.. mana-mana lang yan...?


HAY!! HIRAP TALAGANG MAGPALAKI NG MAGULANG..