i super duper hate this word. ewan ko ba. sino ba nag-imbento ng salitang to? para kasing unfair. sinasabi mo lang yung salitang sorry kapag nagawa mo na yung kasalanan. kapag nakasakit ka na ng damdamin. tapos susundan mo pa ng mga salitang "hindi ko sinasadya?" haaayy.. pakshet diba? pwede ba yun? you meant it when you thought of it. ibig sabihin, inisip mo yun eh, nasa utak mo. kapag nagawa mo yung bagay na inisip mo, bakit mo sasabihing hindi mo sinasadya, diba? wala bang salitang na-imbento para sabihin mo bago ka manakit? funny how a person has come up with a word that you can say after you have hurt someone and when the damage has been done, while no one has thought of a word that you can use to advise a person that you WILL hurt him and you WILL not mean it, aaww, come to think of it, bakit ganun, diba? (aaaahhh... english yun.. hemorrhage..)
bakit nga ba ganun? nagso-sorry lang tayo kung kailang nagawa na natin saktan yung mga taong mahal natin. kung kailan natapakan na natin yung paa nung nasa likod natin sa pila o kung kailang natapunan na natin ng mainit na kape yung taong nabangga natin sa canteen. what can a word do when the damage has already been said and done? kapag ba minura natin yung mga magulang natin at nag-sorry tayo sa kanila after natin silang murahin, mawawala ba yung sakit na naramdaman nila? kapag ba sinaksak ko sa likod si Franze, at nagdugo yung sugat na halos ikamatay niya, tapos nagsorry ako, mawawala ba yung peklat ng sinaksak ko sa kanya? parang hindi naman yata.
bakit ba na-imbento ang salitang sorry? para ba okay lang magkaroon ng kasalanan kasi pwede namang mag-sorry? para ba mahugasan in an instant yung nagawa nating mali sa kapwa natin kasi nagsabi naman tayo ng sorry, so ibig sabihin, forgiven na tayo agad? para ba masabing mabait tayo dahil marunong tayong tumanggap ng pagkakamali? para saan ba ang sorry?
bakit yung bata, pag inagawan mo ng kendi, kahit mag-sorry ka, umiiyak pa rin siya? bakit yung kapit-bahay namin, kahit nag-sorry na yung kapatid ko sa kanya, banned pa rin siya magpakita sa eskinita namin? bakit yung teacher mo kahit sabihan mong sorry kasi hindi ka nakapasa ng project, ibabagsak pa rin niya yung grades mo? bakit yung batang nakagat ng aso, kahit nag-sorry na yung may-ari sa hayop, namatay pa rin sa rabbies? bakit yung babaero kahit mag-sorry na siya sa asawa niya, wala pa ring tiwala si Misis? bakit nga kaya?
ang daming kong tanong no? curious lang. sorry ha.
KASALANAN by 6CYCLEMIND & GLOC9
Maari bang makausap ka di na biro ang nararamdaman
Nalungkot sa aking buhay mula nang ika’y matauhan
Patawarin mo ako sa aking nagawang kasalanan (kasalanan)
Patawarin mo ako sa aking nagawang kasalanan (kasalanan)
Maari bang mapigilan pa ang yong di maaming binabalak
Nakalimutan mo na ang pagsasama di na ba kayang mapagbigyan
Patawarin mo ako sa aking nagawang kasalanan (kasalanan)
Patawarin mo ako sa aking nagawang kasalanan (kasalanan)
Patawad ay isang salitang animo’y isang parusa ito’y
Sasambitin mo lang kung lahat ay huli na at di na
Maibabalik ang dating pinagsamahan parang putik sa
Mukha na pinahid ng pabalang.
Sa iyo lahat ay paharang dahil ayaw mong magparaya
Babang siya’y bigay ng bigay at ipinauubaya lahat ng
Makakabuti kahit pa ang huling butil ay iaabot sa iyo.
Parang ika’y isang inutil na hindi nagiisip wala kang
Nararamdaman subukan mang pumikit wala kang
Natatandaan lagi mong inaalala ang para lamang sa yo
Walang iba kundi ikaw at kailanma’y walang kayo
Mapalad ka kung hihingan mo ng tawad ay nagagalit
Pag nasasaktan sumisigaw ng salitang pumupunit kahit
Sabihin mong kausapin ay di na sasagot akapin]
Man ng mahigpit ay di mo na maabot (Patawad)
Di na mauuli
Di na uulitin
Sana’y tanggapin mo
Patawarin mo ako sa aking nagawang kasalanan (kasalanan)
Patawarin mo ako sa aking nagawang kasalanan (kasalanan)
Tayoy’y nagkagulo’t nagsigawan at halos magtulakan sa
Galit ko ako’y lumayas at di ka binalikan
Sinuyog ang lahat ng pangako at ang pagmamahal
Sumpaan natin sa isa’t isa di rin nagtagal
Ang gabi ay laging umaga umaga’y laging gabi
Ako’y gumugising ng di ko kilala ang katabi
Paulit ulit na ganito ngunit ng aking makita larawan
Mo sa loob ng aking lumang pitaka ay nalaman ko
Hinanap ko ang tunay na sarili ko nakita ko nalaman ko
Ito ay nasa piling mo inipon ang lahat ng aking lakas
Ng loob ngunit bakit parang hindi rin maganda ang aking kutob.
Nilapitan ka at pilit na tinitingan sa mata
Ako’y nagdarasal na sabihin mo sa kin pwede pa
Ika’y hindi kumikibo at parang lumalayo tila pagibig mo sa kin tuluyan na natuyo
14.10.09
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
pangit nman kung magsosori ka before the incident dba? hahaha. though sorry can't really eliminate the pain, at least it can lessen it dba?
Post a Comment