19.9.09

SINANGAG...


Hmmmnn.. Umaga, ang sarap talagang gumising.. I can smell the garlic being sautee'd in the fry pan.. I also love the effect of hot coffee in my throat.. Newspaper is ready on my table for reading.. My daughter will kiss me goodmorning later when she wakes up.. The TV set plays the morning news.. And the news says, "Cory Aquino pumanaw na."


Fuck.


Nung isang araw lang magkasama kami.. Bumibili ng dirty ice cream sa baywalk.. Nagtutuhog ng fishball sa gilid ng Tambo Elementary School.. Lumulusong sa baha.. At namumulot ng mga tapyas na gulay sa divisoria para ibenta kay Aling Toyang (pang-chopseuy) sa carenderia niya.. Naalala ko pa nung mga bata pa kami, naghahabulan kami habang tulo sipon at walang panty sa kahabaan ng Dr. A. Santos Ave.


Nung nagdalaga kami, nakilala namin si Benigno. Ang totoo, sa akin siya unang nagkagusto pero dahil mas bata ako kay Cory at strict ang parents ko, ini-reto ko nalang siya kay Benigno. Kung hindi dahil sakin, walang Noy-Noy at Kris ngayon. Sa simula palang, naramdaman ko na agad na mas may chemistry sila. Besides, friend lang ang tingin ko kay Benigno noon. Sabay-sabay kaming grumadweyt sa Philippine Effective College for Presidential and Election Candidates or PECPEC. Mula nung grumadweyt kami, hindi na kami nagkita-kita. Nalaman ko nalang na President na pala siya ng Pilipinas. Aba, hindi naman siguro siya magtatapos ng with flying colors sa PECPEC kung walang dahilan 'no. Noong manalo siyang pangulo, ipina-renovate niya ang PECPEC at doon nilikha ang mga sumunod na mga naging pangulo. Ang buong akala ko ay tuluyan na niyang nalimutan ang samahan namin ngunit nagkamali ako. Isang araw ay kumatok sila ni Benigno sa aking maliit na barung-barong. May dalang invitation card para sa wedding nila. Para bang kinukurot ang puso ko dahil sa huling 20yrs na hindi namin pagkikita-kita, nalaman kong inlove pala ako kay Benigno, nontheless, umattend pa rin ako sa nuptial nila and I chose to remain silent with my love for Benigno. Dumating ang maraming taon at hindi pa rin nagkaka-anak ang dalawa. Dahil sa aking pagkabigo kay Benigno, nakipag one night stand ako kay Erap na noon ay sumisikat na sa pagiging artista. Nagbunga ang minsan naming pagsisiping at nang malaman ko na wala pa ring anak sina Cory at Benny, ibinigay ko sa kanila ang aking anak kahit hindi ko pa nakikita kung anong kasarian nito. Huli na nung malaman ko na bago ko pa ibigay sa kanila ang aking anak, nagkaroon na rin pala sila ng supling. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung sino ang aking anak sa lima nilang supling at wala din akong balak mag habol pa. Bakit? Dahil may sampu na akong anak kay Erap, labing isang beses kaming nag one night stand.


Pero siyempre, imagination ko lang lahat ng iyon. Mga thoughts na walang kuwenta habang kumakain ako ng sinangag sa umaga at nakikinig sa balitang pumanaw na nga si Cory Aquino. Mabuhay ka Cory Aquino, pero alaala lang ha.. Don't resurrect as a zombie.


**Ang lahat ng nilalaman ng artikulong ito ay pawang mga imahinasyon lamang ng manunulat at walang halong malisya o pagpapatama sa ating dating pangulong Corazon Aquino.


No comments: