19.9.09

Sabi ng Ogag Na Administrasyon (SONA)


Natawa ako nung nanood ako ng SONA ni GMA nung nakaraan. Medyo inaantok nga ako nu'n eh kasi galing ako sa GY shift. Kamusta naman, nawala yata yung antok ko sa kakatawa. Ang ipinagtataka ko, bakit lahat ng sinasabi niya, pinapalakpakan nung mga tao? Bobo ba lahat ng nakaupo dun sa plenario? Yung sinasabi niyang maganda daw yung ekonomiya ng bansa dahil umupo siya.. Ano yun joke? Kaya pala lahat ng bilihin, diesel, LPG, food, kuryente at kung anik-anik pa, eh tumataas.. Aba, eh siya nalang yata yung hindi tumataas. Haha! Kamusta naman? Gusto niyang tumaas yung popularity rating niya, ang hindi niya alam ulo ng sambayanang Pilipino ang tinatapakan niya para umangat. Umangat man siya ng kaunti, iyon ay nung tumuntong siya sa ulo ni Bush, syempre kano yun, asa ka pa sa taas ng height nun. Lahat ng credits ng iba inako niya, yung bill na ipinasa ni Enrile about the missing mobile phone loads, etc. Buti nalang yung ipinapasa ni Bong Revilla na law against scandal video makers, hindi niya binanggit, aba mahiya naman siya no.. Over na.. Sobrang pagbubuhat na ng bangko yun. Kung ano-ano ang sinasabi ni GMA. Naitanong na ba niya sa sarili niya kung anong impact ng mga nagawa niya para sa bansa natin? Kumbaga sa earthquake, wala pa sa half a fraction of an intensity yung impact ng mga iyon eh. Siguro kung may nagustuhan man ako sa lahat ng sinabi niya nung SONA niya, iyon ay yung mga sinabi niyang English tulad ng "DONT SAY BAD WORDS IN PUBLIC." So ibig sabihin, we can say bad words in private.. Eh bakit sabi ng Lola ko, " DONT EVEN THINK OF IT!"





I am not an Erap fanatic; I am not a Anti-GMA either but I think, he is much better than GMA, had he not listened to the people who asked him to do something bad.. Bobo lang si Erap pero hindi sya kasing tanga at plastik ni GMA. Sa totoo lang, matalino naman talaga si GMA. Magaling siyang manggamit ng mga tao sa paligid niya at kahit na nga sa ibang bansa eh, ang galing niya rin. Parang mahaba yung mga galamay niya at abot na abot niya pati si Barack Obama. Speaking of Obama, as far as I know, GMA has an appointment with him today. As in today, 31st of July 2009, well, goodluck GMA. Sana mahita niya ang anumang gusto niyang mahita.






Yung mga taong gutom pa rin hanggang ngayon. Itong araw na 'to, habang nakasakay ako sa jeep at papasok sa trabaho, may dalawang batang umangkas sa likuran ng jeep na sinasakyan ko. Siguro mga tig-sampung taon yung mga yun eh. Yung isa may hawak na bote ng mineral water. Ano kamo ang laman? RUGBY. Kamusta naman? Nakakaawa yung mga bata. Gusto ko ngang hilain yung bote at itapon habang umaandar yung jeep. Ang naisip ko lang, baka tumalon yung bata sa jeep at habulin yung bote at madisgrasya. Naisip ko rin, yung rugby, ang sabi ng iba, pag sininghot mo, makakalimutan mo yung gutom. Wala naman akong extrang pera na dala, so why would I take away from them the only thing that keeps them going? Bobo ba nung principle ko? Haha! Wala eh, anong gagawin ko? Isa rin akong biktima ng kahirapan? Pero sa totoo lang gusto kong umiyak, naisip ko kasi, bakit kailangan pang may mga batang ganun..






Eto pa ang isa, yung mga naggagandahang overpass na pinagagawa ng mga Mayor, puwera pa yung mga pink footbridge na project ni BF ha, ginagawang lungga ng mga taong walang bahay o kaya ng mga baliw na mamamayan na gumagala ng walang panty. Katulad nung isang overpass dun sa Sucat, Paranaque. Malapit lang samin yun at kapag magwiwithdraw ako dun sa ATM sa kabilang kalye dun ako dumadaan. Lagi kong nakikita yung ale na walang panty habang kumakain ng tira-tirang ulam na nakalagay sa plastic bag. Nitong mga nakaraang araw, hindi ko na siya nakikita masyado. Pero minsan, nasulyapan ko siya, nakasuot na ng panty-- high cut. May isa ring batang naka-uniform na laging nang a-ambush ng mga naglalakad na naka-isputing dun sa overpass na yun. Una, nagtatnong lang siya ng oras, tapos maya-maya susundan ka na niya at pag lumingon ka, eto ang sasabihin niya sayo, "Ate, pahingi naman ng pamasahe." Hindi ko alam kung multo ba siya na nasagasaan nung unang panahon dahil sa kahihingi ng pamasahe sa mga taong nagdaraan pero ang alam ko lang, dalawang beses na niya akong naa-ambush. Nung pangalawang beses niya akong hinarang, ang sabi ko sa kanya, "Hoy bata, hindi mo ba alam na adik ako? Gusto mo gilitan kita ng leeg at itapon kita diyan sa gilid ng kalsada? Tigilan mo na yang ginagawa mo, mamaya makatapat ka ng kidnaper o rapist, sige ka." Hindi naman ako adik, tinatakot ko lang yung bata. Hindi ko alam kung epektib, pero hindi ko na siya nakikita mula nung sinabi ko yun sa kanya. May kilala din akong mga magasawang nagkakasya lang sa 50pesos isang araw ang kinakain, samantalang ilan sila sa pamilya, yung magasawa plus pitong anak. Anong kinakain nila? Noodles at kalahating kilong NFA rice plus kape. Dito nauso yung salitang "tsapepe" na ginagawang substitute sa gatas ng mga baby kapag wala na talagang nutrisyon yung gatas ng ina nila.






Kung iisa-isahin natin ang mga nagawa ni GMA, baka abutin tayo ng magdamag sa pagiisip pero wala pa rin tayong maisip. Kung tutuusin, marami naman siyang nagawa. Pero hindi kapansin-pansin eh. Ang mas kapansin-pansin pa eh yung pag kain niya ng naka-kamay habang naka ngiti sa camera at iyong pagsaka niya sa bukid habang kamot ng kamot ng binti. Nakakaaliw.. Yeah!






Nakakaaliw din yung naglabasan na mga feature about the gowns worn by the guests or the wife of the senates.. Haha!! At si GMA, hindi padadaig sa fuschia niyang gown. Siguro, or malamang sa hindi, pera rin ng publiko yung pinangbayad nya dun. Samantalang yung mga kawawang nilalang na nais makasali ng beauty contest, nangaarkila pa ng gown sa mga funeraria makapag-project lang sa judges. Eh si GMA, yung utak niya, kasing fuschia ng gown niya, hahaha! Sinong ba ang nag-make up sa kanya? Buhay pa ba?


No comments: