29.9.09

ANG LAPIS, BOW!


lead, kahoy na katawan at pambura sa dulo. yan ang different parts ng lapis. ginagamit ito sa pagsusulat. minsan pwede rin itong panaksak sa classmates, depende kung gaano katulis ang pagkakatasa mo. kahit anong maling sinulat mo, kayang kaya nitong burahin ngunit madiin ka man o marahan magsulat, may bakas pa ring maiiwan sa papel mo. iba't iba ang mga uri ng lapis. merong kulay itim na jumbo kung tawagin. merong mongol. minsan ang mongol ay hindi lang lapis, pwede ka ring tawaging mongol ng classmate mo kung pati pag gamit ng lapis, itatanong mo pa sa kanya. merong mga cartoonified na mga lapis. oha! kakaibang termino, cartoonified. hindi ko alam kung may salita talagang ganyan, pero narinig ko lang yan sa pinsan kong mongol. ang cartoonified pencils ay may iba't ibang desenyo ng mga kilalang cartoon sa mahaba nitong katawan. may hello kitty, disney princesses, mga naruto o kaya naman kerro kerropi. may scent ang mga pambura nito sa dulo o kaya naman kung medyo mayaman ka, pwede kang bumili ng cartoonified pencils na merong pamburang kahugis nung cartoon na naka drawing sa katawan nito na malamang na tinatawag na cartoonified eraser, oha?! merong mga magic pencil na pila-pila yung mga lead sa loob ng transparent nitong katawan. makikita mo kung ilan nalang yung pwede mong gamitin. hindi na kailangan matasa. magpapalit ka nalang ng bala. kaya lang, minsan, may daya ito. isang sulat mo palang, babaon na agad sa loob ng bala yung lead. hay naku. kung tanga ka at wala kang kadala-dala, malamang na nakaka-isang dosena ka ng ganito kada linggo. may mga lapis naman na ginagamit sa pag-drawing o kaya drafting. hindi ko masyadong alam kung ano ang description nito kasi hindi ako bumibili nito. ang mahal eh.


bakit ko ba idinescribe ang iba't ibang uri ng mga lapis? hindi ko alam. basta ang alam ko, lahat ng tao, parang lapis. ang buhay natin ang kwaderno. lahat ng bagay na ginagawa natin sa mundo, ay ang mga bagay na sinusulat natin dito. mabuti man o masama, ang lahat ng bagay na itinala natin sa ating kwaderno ay tatatak dito. subukan man nating burahin, sila ay magiiwan ng bakas. isang tanda na nagsasabing hindi malilimutan ng ating kapwa ang ating mga gawi mawala man tayo sa mundo. ang kwaderno ng ibang tao ay maaari nating guhitan ng ating sulat kamay. parang tayo na mga tao na humihipo sa puso ng iba. mariin man o marahan ang pagkakaguhit natin sa kwaderno nila, ang bahat guhit ay magiiwan ng bakas o anino ng ating sulat kamay sa kanilang kwaderno. tayo mismo ay tatatak sa kani-kanilang buhay at alaala.


ang korni ng mga sinasabi ko. pero totoo yan. ala kong naramdaman mo ang ibig kong sabihin at naiparating ko ang aking mensahe sa puso at isip mo. alam ko ring kahit ginagamit mong panghinunuli ang dulo ng lapis mo ay kinakagat-kagat mo pa rin ang pambura nito. hindi ba kadiri? yak.

3 comments:

Madame K said...

wahahahha.. kadiri nga pero ginagawa ko yan nung bata pa ako.. hahahaha. xet!!

agree ako sa sinabi mo na tayo ang lapis at ang kwaderno ay ang buhay natin. kung magkamali man tayo ng isinulat, pilitin man nating burahin ito ng maigi eh hindi talaga mawawala ang bakas nito. We just have to try our best to live a life with less erasures.

very inspiring post. :]

PABLONG PABLING said...

may masaarap din namang lapis at pambura

panjo said...

pwede mahiram ang lapis mo? tuyo na kasi ang tinta ng bolpen ko..