9.10.09

di abendyurs op BENDY.. ang batang matanda..

si Bendy ay dalawang taong gulang na batang babae pa lamang ngunit kapag nakipag-usap ka sa kanya, maaari mong isipin na siya si Miriam Defensor Santiago na nagkatawang bata. marami siyang alam at kahit anong bagay na naughty na ginawa niya, kayang kaya nyang lusutan.. actually, bibo nga siyang bata eh.. alam niya kantahin yung theme song ng Darna, Stairway to Heaven, Spongebob Squarepants, Barney, kaya niya kantahin yung Bahay Kubo ng buo, Eensy Weensy Spiders, I have two Hands, Sampung mga Daliri, at yung mga kinakanta ng mga contestants sa Birit Baby. isang kanta lang ang sablay kapag kinakanta niya..

yung  L-B-C-d-e-f-g...

=========
mama: anak ng-- bakit basang basa ka?!? san ka naglaro ng tubig? hah!?!?
bendy: dunatu lalu taaaahhh.. yuuunnnn duuunnn taaaa... labat eeehhh.. yuunnn battaaa attooo nnuuuunnnn baaatttaaa!! sasi man eeehhh!!! (dun ako naglaro.. yung dun sa.. labas eh.. yung basa ako nung bata.. kasi naman eh!!!)
mama: teka nga.. (lumabas ng pinto..) hoOoOoy!! sinong bumasa sa anak ko ha?!?
mga bata (nanginginig..): wala naman pong nagbasa sa kanya eh.. siya lang po mag-isa..
mama: ikaw talaga Bendyyyy!!!! lika nga dito!!!
bendy: papa siiiiiiiiiiidddd!!!!!
=========
mga bata (mga nakasimangot): ateeeeeeeeehh!!!! si Bendy pooooooo!!! yung tatsi----
Bendy: mamaaaaa!!! aaway ato nunnn baaatttaa!
mga bata (galit na..): weeehhh!! ikaw nga jan, yung tatsingan namin inaapakan mo eh.. ate oh!!
Bendy: epal ka pala eh..
=========
PINOY HENYO with BENDY
bendy: tao ato?
mama, papa, nanay, tatay: hindeeee!!
bendy: ayup ato?
m,p,n,t: pwede..
bendy: irap aman sasi eehh.. babuy ato?
m,p,n,t: hindeee..
bendy: asim ato?
m,p,n,t: hindeee..
bendy: ka-amansi?
m,p,n,t: hindi nga!!
bendy: bastus ato?
m,p,n,t: OOOoooOoOooO!!!

ANO ANG NAKASULAT SA PAPEL NA NAKADIKIT SA NOO NI BENDY? itlog.

DIRECTOR: si Bendy
MGA TAUHAN: mama, papa, nanay, tatay, Bendy
SHOOTING PLACE: sa Gatchalian II, Las PiƱas City, bahay nina nanay at tatay

**Marami pang mga abendyurs si Bendy.. ABANGAN..

2 comments:

saul krisna said...

ahahaha natawa ako dun ah... nice blog ate... teka lang taon ka na? teka mahanap nga... baka ate ako ng ate eh mas matanda pala ako sa iyo... twenteen five lang si ato eh... hahahahaha

Lez said...

salamat sa pagdaan sa blog page ko ah.. haha.. kung ano ano lang laman ng blog ko eh..haha..pero salamat p rin sa pagbasa ng mga ano ano dun..haha