inaamin ko, nakapag-shop lift na ko dalawang beses sa buong buhay ko. naranasan ko nang mapupu sa salawal habang tulog ako. umiihi pa ko sa kama kahit high school na ko. nagmumura ako ng P.I. at ULOL at namura ko na rin ang nanay ko sa harap ng mga classmates ko nung elementary pa ako. inaamin kong nangongokpya ako noon kahit alam kong labag sa utos ng guro at labag din sa kalooban ng classmate ko. inaamin kong nakapangupit na ako sa nanay ko at sa tita ko pero hindi nila ako napatakan ng kandila sa kamay tulad sa mga kapatid ko kasi hindi pa ako nahuhuli kahit kailan. inaamin kong first kiss ko ay babae at iyon ay nung grade 3 pa lang ako. inaamin kong hindi ako nangungumpisal at ang huling simba ko na totoo ang sinabi ko sa Diyos ay noong first year high school pa ko. inaamin kong hindi ako tumutupad sa new year's resolutions. inaamin kong hindi ako naniniwala sa bible o sa kahit na anong nasusulat tungkol sa mga nagawa ng Diyos. inaamin kong nagbabate ako paminsan-minsan lalo na kapag nakakita ako ng bastos na picture sa internet >_<. inaamin kong matanda na ako ay umaasa pa akong magkakabalikan pa ang parents ko. inaamin kong nagkatotoo ang sumpa ng madrasta ko na madadapa ako at pagbangon ko ay buntis na ako. inaamin kong naging magaslaw ako noong high school at madalas akong teacher's enemy number one kahit anong section pa ako at kahit hindi ko teacher yung kaaway ko. inaamin kong sinubukan kong ipalaglag si Bendy kasi ang akala ko itatakwil ako ng buong pamilya ko. inaamin kong ako ang black sheep ng Rafol Clan kahit nuong hindi pa ako nagiging single mother. inaamin kong mas lalo akong naging black sheep dahil naging disgrasyada ako at dahil nalaman nilang sinubak kong magpalaglag. inaamin kong makasalanan ako. oo, makasalanan ako.
pero hindi naman ako perpekto. sino ba ang perpekto?
wala. kahit ang Diyos hindi perpekto dahil gumawa Siya ng mga katulad ko. hindi ko Siya sinisisi pero feeling ko totoo naman, diba? hindi rin perpekto ang Pilipinas, ang Asia, ang USA, ang UK or kahit ang buong mundo o ang Milky Way at ang Universe.
nakakatuwang isipin na may mga taong feeling perfect. aminin nating kahit maputi si Lucy Torres, may flaws pa rin ang katawan niya. hindi kayang pahintuin ng Pond's o ni Dra. Vicky Bello ang panahon. nagkakaedad pa rin tayo kahit makailang vials ka ng bottox injectibles.
minsan, iniisip ko, ano nga bang silbi ng buhay? binuhay ka ba para maranasan mo ang mga sakit at paghihirap ng mundo? o binuhay ka para maging masamang tao at makapag-paligsahan sa kasamaan ng kapwa mo? inaamin kong hindi ako kumakain ng ampalaya, kaya hindi ako bitter. talagang ganito lang ako mag-isip.
alam mo ba, ang dating taytol ng blog ko na to ay "gee's world of rock"? pero naisip ko, hindi naman ako rakista at lalong hindi rin ako nabuhay sa panahon ng stoneage kaya bakit ganun ang taytol ng blog ko? kaya pinalitan ko ito ng ..rOcking chaiR..
bakit? kasi para sakin, ang buhay ay parang upuang tumba-tumba. pasulong, paatras. galaw ng galaw. kailangan mong kumilos para makuntento ka sa pag-ugoy pero kung tinatamad ka na, kusa itong hihinto. parang tayo. pero sabi nga ni Johnloyd, hindi titigil sa pag-inog ang mundo natin, kapag tinamad na tayong mabuhay. minsan, kailangan tayong itulak ng ibang tao para gumalaw ulit ang tumba-tumba. yan ang paniniwala ko. kitams? hindi ako masamang tao. malawak nga ang pang-unawa ko eh. hindi rin ako mahilig mag-sinungaling. mabulaklak lang talaga ang dila ko. siguro kaya marami akong naisusulat araw-araw sa blog ko. punong puno ng mga imahinasyon ang utak ko eh. kung tutuusin nga, pwedeng "anythingunderthesun" ang taytol ng blog ko. kasi naman, kung ano-ano ang laman nito at hindi lang naman ito tungkol sa buhay ko. tungkol din ito sa ibang tao. sa mga nakakasalamuha ko, sa aso naming si Chako, sa anak ko, sa nanay ko, sa girlfriend ko, sa katabi ko sa jeep, sa fx o sa mga kasabay ko maglakad, sa kausap ko sa telepono, sa kasama ko sa elevator, sa kasama kong mag-yosi, sa katrabaho ko, sa mga barkada ko, sa school ko, sa mga kalokohan ko, sa mga ex ko, sa mga pelikulang napapanood ko, sa mga librong nababasa ko, sa mga pulitiko, sa bagyo, sa Eraserheads, sa mga taong nakakasalubong ko, sa etsetera etsetera. lahat. kaya nga anythingunderthesun eh.
marami akong nakikita. madalas mga kamalian ng kapwa ko. pero alam kong hindi masamang pumuna ng dumi ng kapwa kung alam mo at aware ka na ikaw mismo ay madungis. hindi lang naman ako ang hindi nasisimba, hindi lang naman ako ang black sheep ng pamilya, hindi lang naman ako ang bumibili ng Cytotec, hindi lang naman ako ang nag-iisip na si Lito Camo talaga ang author ng Bible at hindi rin lang naman ako ang nakakaalam na ang Bible ang nag-pauso ng INCEST, hindi lang naman ako ang nagmumura at napapa-pakshet pagkatapos magsimba at hindi rin lang naman ako ang taong nagpo-post ng kasiraan ng kapwa.
oo, black sheep ako. devil in disguise. isa rin akong bakla. opo, bakla ako. hindi dahil isa akong dyosang nagkatawang lalaki. babae po ako. babaeng katawan, puso at salita na may isip ng isang lalaking manyak at bastos at merong rin akong adam's apple sa batok.
hindi ko kinakailang hindi ako perpekto. galit man sa akin ang pamilya ko at binabastos man ako ng nakababatang kapatid ko, okay lang sa akin. ganun ako eh. wala nang pwedeng magreklamo. hindi ko babaguhin ang sarili ko para sa satisfaction ng kapwa ko dahil kahit naman anong sabihin at gawin ko ay satisfied silang lahat. hindi ako perfect. sino ba?
ikaw, perfect ka ba?
7.10.09
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment