27.10.09

**mahirap tanggapin ang katotohanan**

buwisit. kakapanood ko ng Secret Window ni Johnny Depp nitong mga nakaraang araw, nahawa na yata ako sa sakit niyang writer's block. may mga naririnig-rinig na rin akong mga boses na kumakausap sa akin at minsan, pati sarili kong repleksyon sa salamin, nakikipag-tawanan na rin sa akin. kanina nga, tinitigan ko ng masama yung boss ko dahil baka siya pala ang aking alter ego.

pero hindi. sayang.. akala ko, makakatakas na ako sa ipokrito nating mundo. reality bit me and it bit me hard. wala pala akong writer's block, hindi ako si Johnny Depp, hindi ko alter ego ang boss ko at yung mga boses na naririnig ko na akala ko ay kumakausap sa akin ay LSS lang pala ng "Nobody, nobody but you."

1 comment:

Gagong Blogger said...

astig!!!!!!! la ko masabi hehe!