29.9.09

ANG LAPIS, BOW!


lead, kahoy na katawan at pambura sa dulo. yan ang different parts ng lapis. ginagamit ito sa pagsusulat. minsan pwede rin itong panaksak sa classmates, depende kung gaano katulis ang pagkakatasa mo. kahit anong maling sinulat mo, kayang kaya nitong burahin ngunit madiin ka man o marahan magsulat, may bakas pa ring maiiwan sa papel mo. iba't iba ang mga uri ng lapis. merong kulay itim na jumbo kung tawagin. merong mongol. minsan ang mongol ay hindi lang lapis, pwede ka ring tawaging mongol ng classmate mo kung pati pag gamit ng lapis, itatanong mo pa sa kanya. merong mga cartoonified na mga lapis. oha! kakaibang termino, cartoonified. hindi ko alam kung may salita talagang ganyan, pero narinig ko lang yan sa pinsan kong mongol. ang cartoonified pencils ay may iba't ibang desenyo ng mga kilalang cartoon sa mahaba nitong katawan. may hello kitty, disney princesses, mga naruto o kaya naman kerro kerropi. may scent ang mga pambura nito sa dulo o kaya naman kung medyo mayaman ka, pwede kang bumili ng cartoonified pencils na merong pamburang kahugis nung cartoon na naka drawing sa katawan nito na malamang na tinatawag na cartoonified eraser, oha?! merong mga magic pencil na pila-pila yung mga lead sa loob ng transparent nitong katawan. makikita mo kung ilan nalang yung pwede mong gamitin. hindi na kailangan matasa. magpapalit ka nalang ng bala. kaya lang, minsan, may daya ito. isang sulat mo palang, babaon na agad sa loob ng bala yung lead. hay naku. kung tanga ka at wala kang kadala-dala, malamang na nakaka-isang dosena ka ng ganito kada linggo. may mga lapis naman na ginagamit sa pag-drawing o kaya drafting. hindi ko masyadong alam kung ano ang description nito kasi hindi ako bumibili nito. ang mahal eh.


bakit ko ba idinescribe ang iba't ibang uri ng mga lapis? hindi ko alam. basta ang alam ko, lahat ng tao, parang lapis. ang buhay natin ang kwaderno. lahat ng bagay na ginagawa natin sa mundo, ay ang mga bagay na sinusulat natin dito. mabuti man o masama, ang lahat ng bagay na itinala natin sa ating kwaderno ay tatatak dito. subukan man nating burahin, sila ay magiiwan ng bakas. isang tanda na nagsasabing hindi malilimutan ng ating kapwa ang ating mga gawi mawala man tayo sa mundo. ang kwaderno ng ibang tao ay maaari nating guhitan ng ating sulat kamay. parang tayo na mga tao na humihipo sa puso ng iba. mariin man o marahan ang pagkakaguhit natin sa kwaderno nila, ang bahat guhit ay magiiwan ng bakas o anino ng ating sulat kamay sa kanilang kwaderno. tayo mismo ay tatatak sa kani-kanilang buhay at alaala.


ang korni ng mga sinasabi ko. pero totoo yan. ala kong naramdaman mo ang ibig kong sabihin at naiparating ko ang aking mensahe sa puso at isip mo. alam ko ring kahit ginagamit mong panghinunuli ang dulo ng lapis mo ay kinakagat-kagat mo pa rin ang pambura nito. hindi ba kadiri? yak.

IS ONDOY OVER?




What happened to our country recently definitely added a new mark in our history. This is so far since the last four decades, the strongest, mightiest thypoon we have faced. Ondoy left our country in a rubble, totally damaged and it so much looks impossible to renovate. It was so hard to think that in just 6 hours, a one-month amount of rain fell and took a lot of lives.

I was, at that time, fighting the current of the flood just to get my self to work. The flood reached my thigh and I was soaking wet all the way up. The rain pelting my skin hurt and I had no choice but to continue waddling through the waters because I could not turn back anymore. There are no ways of getting on a jeepney or taxi. I was scared because I could have gotten electrocuted by the water. The MRT for SLEX was under construction and wires were scattered on the pavement.  When I reached my office building, I was relieved, felt myself and was happy realizing that I was alive and safe. I finished work and got home. The flood, gone.



I saw on TV what happened in greater Manila. Makati and Marikina were so flooded. So are Pasig, Antipolo and Bulacan. A lot of lives had been taken and still a lot of people are missing. When the flood settled, a thick brown mud was left on the pavement. What was left with the people's things, houses and cars were just like toys dipped in mud. What was once the business center of the Philippines, Makati, became a swamp in six hours. It was such a horrible sight. It looked like doomsday. I remembered our trip to Bulacan. My daughter was so delighted seing the cows, horses and goats running and eating in the green feilds. Will we ever see them again the next time we go there? I remembered my brother, he lives in Pasig and all his important things were left there. So are his expensive clothes and shoes that he has earned for while he was working. The things he never had in his life when he was young. All gone.



I saw the video of people struggling to keep their children safe, themselves awake and ready, their families together. Those people who were hoping to be rescued, be given food if not rescued or atleast be seen on TV that they were safe, alive or in danger. It pains me in the heart to see these people asking for help but obviously, due to lack of facilities, they could not be. The least they could was to pray that they be helped, rescued and be put to safety. I felt sad and lucky at the same time. Atleast we never had to see the brown mud that the flood left. The flood I waddled into was just purely water and subsided right away after the rain. It did not reach even the floor of our house. I would like to thank God because we are all alive. My brother is safe and so as his family. They have evacuated right away.
 
PAG-ASA said that had the dropper radar arrived at first, they could have known how much rain Ondoy was to bring. They could have alarmed the people and told them to evacuate right away. But the dropper radar they have ordered abroad is still not being recieved. It's not their fault but still, the people could not help but put a blame on them. A new LPA had been seen approaching our area of responsibility. Will this be as strong as Ondoy? Or stronger? People have not fully recovered yet from what Ondoy had left, and now we are fearing yet another typhoon? Is this a reminder for us to take care of our nature moving forward? Is this a payback? If this is, will we ever learn? This is so much to bear. Let us help other people recover and stand up. Let us help them survive. This is not the time to show off. This is not the time to flaunt that you have donated 10 sacks of rice, 20 boxes of mineral water or 1 million pesos cash pledge. This is the time for prayer and unwavering faith. Let us pray for the people who have lost their lives and those who are still missing. Let us pray for the Earth. For the Philippines. For the whole world.

haha.. wala lang.. i love harry potter..










haha.. i love these pics that i saw in yahoo..
just sharing..

25.9.09

PARAƱAQUE NATIONAL HIGH SCHOOL LA HUERTA ANNEX

haahh.. ang haba ng name ng school ko noh? hehe.. nami-miss ko na yang school na yan.. hindi ko maiwasang mag-reminisce kapag naaalala ko kung yung mga kahapong nagdaan at dyan pa ako nagaaral. may article na ako sa Blog na to tungkol sa kung anong mga pinag-gagawa ko nung high school.. ngayon naman, ang article na ito, ay pambubuking sa KUNG ANO ANG MERON SA SCHOOL NA YAN, SA LOOB AT SA LABAS.




>maraming hilakbot kwento ang school namin.. kesyo nung unang panahon, panahon pa ng hapon.. (kikay..?) meron daw school bus ang bumangga sa accacia tree na noon daw ay nakatayo pa sa gilid ng school at mismong sa harap ng bintana ng guidance opis. at nang bumangga nga daw ang bus sa punong ito, patay lahat ng mga estudyante na sakay ng bus. ang ulo daw ng driver ay napugot at tumalsik sa loob mismo ng guidance office dahil bukas ang bintana nito. ang mga lamang loob daw ng mga estudyante ay nagtalsikan sa bintana ng classroom located at the second floor. hanggang ngayon daw ay may nagpaparamdam sa school na to. hay naku.. wala naman akong naramdaman nung mga panahong naga-aral ako dita ah? **taas kilay** pero totoo daw ang mga paramdam. katunayan, si Mr. Ibadlit, hindi ko siya naging teacher pero kilala ko saiya dahil sikat siya kapag may sinasapian sa school. to the rescue ang lolo mo at kinabukasan, may dala na agad itong native na manok na kumakawag-kawag pa.. gigilitan niya ito ng leeg at ipapatak sa paligid ng school ang dugo ng kawawang manok. hindi ko alam kung ano ang trip niya pero ito lang ang masasabi ko, kamukha niya si Boy Abunda.


>sa labas ng school, nagkalat ang ma-vetsin, ma-cholera, ma-cholesterol at ma-kalasong pagkain. merong tukneneng, fishball, bopis, mani, hotdog on stick, etc. nung high school ako, suki ako ng mga naka-sidecar na nagtitinda ng walang kamatayang SIOMAI.. pawis na ako sa anghang at init ng kinakain ko pero sige lang. hindi ako titigil hanggat may nanlilibre sakin. marami ring tindang mga anik-anik sa gilid nito tulad ng mga laruan, school materials, etc.


>nagkalat rin ang computer shops sa labas ng school namin. may de-aircon, meron namang pagpapawisn ang kili-kili mo sa loob, makapag-chat o makagawa ka lang ng research. may peborit tambayan kami ng mga tropa ko. yung COM.COM shop. aircon dun at mababait ang may-ari.


>bilihan ng EGG BURGER, CHEESE BURGER at HAM BURGER. astig to. free delivery, hahaha! nasa tapat lang kasi ng bintana namin to. one tawid away. sisigaw ka lang habang walang teacher ng "KUYA, ISANG EGG NGA!" at maya-maya, kakatukin na ni manong ang bintana mo para kunin ang bayad at iabot sayo ang food mo. yung mga nasa second floor, astig, hinahagis yung pagkain nila pataas para saluhin nila at ihahagis naman nila pababa yung bayad.. hehe..


>sa school na to, hangga't si Mr. Gregorio Capilar ang OIC/PRINCIPAL, asahan mo nang CORNY ang graduation song. like nung kami, "PANGAKO" by Regine Velasquez, kamusta naman? talbog ang mais sa sobrang ka-CORNYhan.


>sa loob ng school, maraming teacher na pampam..


MRS. ELIZABETH CLAIRE SOCCORO TERIBLE (AP)
-mahilig magpa-SHORT QUIZ na 1-150
-mahilig magpa-assignment ng SUMMARIZE THE PAGES IN ARALING PANLIPUNAN, pages 1-150
-ang teacher na hindi gumagamit ng test paper na fill in the blanks or multiple choice tuwing PERIODICAL TEST. ESSAY lang ang kilala niyang exam at 10pcs ng YELLOW PAGES ang kailangan mo, FRONT to BACK ang sagot


MRS. CYNTHIA DE LEON (English)
-maarte yang teacher na yan
-feeling maganda
-feeling bata
-feeling beauty queen
-all of the above
-bff ko dati pero naging kaaway ko
-pero mahal ko yan... :)
-crushy... crushy... hehe...


MRS. MINERVA SAGUN (AP)
-maarte
-BALITA?!?!?!
-ang sungit kala mo cute
-pero adviser ko yan... at love ko... :)


MR. SANTIAGO (MAPEH)
-feelingerang bayot
-laging namamaga ang labi pag pumapasok kinabukasan
-nambabagsak yan kahit wala kang kasalanan
-mahilig mang accuse
-mahilig sa halaman, mukha na nga siyang ugat eh
-kaaway ko SOBRA...


MR. JOSE FAUSTINO aka JOEY (GEOMETRY)
-ex niya si JOUBERT, yung tropa kong cute
-mahilig mag-invite ng mga gwapong students sa house niya
-kung gwapo ka, pasado ka na sa kanya kahit hindi mo alam ang right at acute angle
-mahilig mambluff during recitation (kunwari nakatingin sayo, pero iba naman ang tatawagin)
-mahadera na jokista rin minsan, este lage pala
-muntik ko nang maging kaaway, pero naging fave teacher ko yan...


MR. IBADLIT (MATH, yata)
-freakazoid na namimigay "daw" ng super powers... according to my sources...
-Boy Abunda look-a-like
-yun lang


MS. MILA GALLARDO (FILIPINO)
-remember, be happy. spill niya yan pag aalis na siya ng room
-ang teacher na hindi pinapansin kahit wala nang laway sa pagsasalita
-napakabait


MRS. DIEGO (FILIPINO)
-ewan ko, basta pampam siya
-mukha siyang kabayo
-walang kahumour-humor sa katawan, haaaayyy...
-mamamatay ng nakasimangot


MR. HENRY SY (FILIPINO)
-hindi siya ang may ari ng SM
-nakasalamin na, hindi niya pa rin makita yung text sa cp na hawak niya
-mamamatay ng nakasimangot


MRS. JESSIE BERROYA
-ang Betty Boop ng La Huerta Annex
-super arte, pero
-sexy
-sexy
-sexy


MS. GINA ESPIDIDO
-RIP
-super sungit
-RIP
-ngumiti lang siya dahil sa aming dalawa ng classmate kong si Marion Celiz


MADAMI PANG MG TEACHERS DITO NA GUSTO KONG IDESCRIBE PERO TINATAMAD NA AKO. At saka baka hunting-in nila ako eh... hahaha...
MADAMI PA RIN AKONG GUSTONG I-KWENTO TUNGKOL SA ALMA MATER KO, PERO TINATAMAD NA RIN AKO. TULAD NG PAGKATAMAD KO NOON NA KUMANTA NG "PANGAKO" NI REGINE V. dahil sa kakulitan ko nung high school, while practicing graduation march and song, nakita ako ni Mr. Gregorio Capilar na angat sa karamihan kaya pina-akyat niya ako sa stage at buong lakas na isinigaw sa lahat na GAGA ako at kapag hindi ako umayos ay HINDI AKO GA-GRADUATE.










hehe.

24.9.09

BANGUNGOT

nakita kita,
hawak ang kamay niya.
umaawit sa saliw ng gitara.
nakangiti hindi lang labi,
kundi pati mata.


ako'y tahimik,
walang imik.
pagkat ako'y nananabik
sa iyong mga yakap at
iyong mainit na halik.


nais kitang tawagin
upang ako'y iyong lingunin.
ngunit umid ang dila
ng sayo'y humahanga,
tingin lang ang kayang gawin.


bigla kang tumayo,
lumakad ng palayo,
hahabol sana ako
ngunit ang puso ko'y takot
na baka mabigo lang sayo.


dumaloy ang luha
sa aking mga mata.
di ko alam kung bakit
ako'y sumisigaw
na tila nagdurusa.


pinilit kong sabihin,
ako'y iyong dinggin.
habulin ka at yakapin,
hawakan ang iyong kamay
na di kayang abutin.


ngunit ika'y humarap,
ako'y iyong niyakap.
isa palang masamang panaginip
ang aking nakita
akin kana pala.