23.6.10

MY EX GIRLFRIEND HACKED MY ACCOUNT!!

Damn... hindi ko akalain na magagawa niya to sakin. She took 4k out of my bank account, took my ID from work, my last cash in my wallet, my cellphone and my life. Damn talaga. Ngayon, she changed my password in facebook account and I cannot access it. It is suspended until I get the time to fix it. Grabe talaga. Sinusubukan niya ko. Hindi ko na nga siya pina-pulis sa ginawa niya sa akin eh, pati ba naman yung facebook ko?!?!? Eh ang dami ko pa naman mga pics dun na hindi pa napapa-print... adik siya!

Bait nga ba kami nag-break? Kasi naman, I just realized lately na matagal ko na pala siyang hindi na mahal. Yeah, hindi NA mahal. Ibig sabihin, minahal ko naman siya pero the first time na sinaktan niya ako, nawalan na ako ng gana sa kanya. Inulit niya pa yun. Ngayon, ayaw ko na. Sawa na ako. Siguro ganun talaga ako eh. I lose interest very quickly, ika nga ng team mate ko. Kapag may nakita akong mali, wala na. Ayoko na agad. Sid was a ver good person. Mapag-mahal, maalaga and mabait. That's why kahit kinuha niya ang mga things ko which can be considered robbery, I still cannot have the heart to get the pplice arrest her. Damn, we have been together for 2yrs. Ayoko naman na yung taong kinasama ko eh, ipapakulong ko. Besides, I know naman kung bakit siya nagkakaganun. Sana lang ibalik niya mga gamit ko. Yung cellphone na yun, yun ang first gift ko sa mama ko nung makapasok ako sa HSBC. Sana maging considerate siya na may sentimental value yun para sa akin. Haaayyy naku. Ang hirap talaga. Inaamin ko naman na habang kami pa, may nagugustuhan na akong iba. Pero hindi ako nakipagrelasyon sa girl na yun kasi nga kami pa. I don't want to crush calamansi on her sugat noh! Well, isa lang naman yun sa mga dahilan ng break up namin. Hindi yun main reason. The main reason is, Sid hurts me whenever I did something wrong and as far as I know about relationships, if you love somebody, you don't lay a finger on that person no matter how bad that person is. Napaka-hirap tanggapin para sa akin na yung taong minahal ko pa pala ang mananakit sa akin. That's not only physically, that's emotionally too. There is no chance for us, lalo na sa ginagawa niyang ganun... kinukuha niya yung mga things ko. Damn talaga....

AAAAARRRRGGGHHHHH!!!!!!!!!!!!!

30.4.10

KAMOTE...

hay... grabe... tagal ko ring napahinga sa pagba-blog... miss ko na ang rocking chair... sana  magka laptop na talaga ako... para araw-araw, punong puno ng kalokohan este, mga karanasan sa buhay pala, itong blog ko...

naalala ko pa nung may proxy pa sa office... araw-araw akong nagba-blog... pero ngayon, blocked na yung proxy na ginagamit ko... hay naku... kelan kaya ulit ako makakapag-babad sa pc? yung hindi lang puro delinquent accounts at pangungulekta ng utang ang gagawin ko? gusto ko naman ulit magsulat ng walang kakuwenta-kuwentang mga istorya...

sayang... may story pa naman akong sinusulat... hindi ko manlang ma-she-share sa mundo kasi hindi ko ma-upload sa external e-mail ko... huhuhu... :(

hay... kamote...

5.1.10

absent...

grabe, tagal ko ring naging absent... may dahilan naman eh... kaya lang, hindi ko pwedeng sabihin dito... haha!!! delikado... anyway, nakakamiss din pala mag-blog... ay naman, parang hindi ko alam... dati na rin naman akong blogista... namiss ko talaga to... shet, bibili na nga ako ng loptop... wow, haha!!! joke!! wala naman akong pera no... pero promise... sa sobrang namimiss kong magblog, parang gusto ko nang bumili ng kahit second hand na desktop lang... sinong may alam jan na murang desktop? huhu... nalalantahan na rin ako ng tanim sa farmville kasi hindi na ko maxadong naglo-log in... grabe naman... buhay bundok ako ngayon ah...

in fairness naman... magbe-birthday na ko nitong darating na 7th... huhu... matanda na ko... 23yrs old na ko sa thursday... nabobobo na ko dito sa call center... itong darating na school year, balak kong mag-aral ulit... ang course... PSYCHOLOGY... tama ba spelling? hehe...
actually, ang gusto ko talaga, FORENSIC SCIENCE... kaya lang, ang balita ko, hindi ganun kabongga sa Pilipinas ang Forensics... hindi tulad sa ibang bansa na merong CSI Units. hay... yun pa naman ang gusto kong mangyari sa buhay ko... maging parte ng CSI Unit... hindi dahil nanonood ako nun... kundi dahil, yun talaga ang dream job ko... mahilig kasi ako sa pagiinvestigate (naks, english yun!) at panghihimasok sa buhay ng may buhay... 
sana, matupad ang pangarap ko... sana, maging isa akong CHIEF MEDICAL EXAMINER sa NBI o kaya, lipad nalang ako ng AMERICA... para dun na lang ako sa NYPD magtrabaho... hay naku...


taas ng pangarap ko ah... pag bagsak ko, isa lang ang maririnig kong tunog,,,



AaAAAaaaaAAAhHHHhhhhhH!!!! BLOG-AG!!!



nga pala, anak ko to... ang cute no? hehe... :)

21.11.09

my latest obsession... :)















ayan... hehehe... ewan ko ba... basta... hahaha... ang cute niya kasi at sobrang kakaaliw talaga... :)



3.11.09

UNDAS.. :)

Masaya ang Undas ko.. Grand Reunion kasi ng Rafol Clan. Merong ilan na hindi nakapunta. Yung Tito ko na nasa Lebanon at yung asawa't bunso niya at yung buong pamilya ng Tito ko na nasa Samar. Ganun pa man, dumating ang mga panganay nilang anak na siyang mga  naging representative ng nila. Dumating yung pinsan kong matagal na naming hindi nakikita kasi yung nanay niya, nanlalaki, pati siya tuloy, inilayo na rin sa amin. Ang tatay nito na si Tito Bong ay nag-asawa na lang ng iba at sumama sa naging asawa niya para tumira sa Samar. Grabe, ang tangkad niya, matangkad pa sakin... huhuhu..


Nagluto si Tita Beng ng Pork in Red Beans at gumawa ng Letseplan na may keso. Si Tito Boy naman ay nagluto ng Pancit na specialty niya bilang isang chef sa barko at may dala rin silang Suman na galing pa ng Batangas. Si Tita Neneng ay nagluto ng Guinataang Langka. Ang ambag naman nina Kuya Jheg na pinsan ko at ng asawa niyang si Ate Ghyn ay Inihaw na Tilapia at Liempo. Sagot na ng ibang mga barako ang alak at iba pang pulutan. Yung Red Beans ni Tita Beng, hindi na inabot ng tanghalian. Ubos agad at lahat ng kaldero, taob. Bumaha rin ng Alak at RC.. (RC? ...yung "penge naman ako niyan" ni Maja Salvador...)


Noon, si Lolo pa lang ang patay, sa lumang sementeryo siya nakalibing at malapad ang nitso niya. Lahat ng pami-pamilya ay kanya-kanyang dala ng kandila at kaming mga bata naman, pupunuin namin ng kandila yung ibabaw ng nitso ni Lolo. Yung ibang mga tao, nakatingin sa nitso ng Lolo namin kasi nagliliwanag talaga ito sa kandila. Wala kaming itinitirang space at wal rin kaming pakialam kung bagong pintura yung nitso ni Lolo, hehe. Nung namatay si Lola, inilipat ang nitso ni Lolo sa bagong sementeryo at yung mga buto niya, ipinasok sa ataul ni Lola. Bale, isang apartment nalang yung kinahi-himlayan nilang dalawa. Alam niyo naman siguro yung itsura ng apartment na libingan diba? Kaunti lang yung space para paglagyan ng kandila. Nakakalungkot kasi kung dati mahigit isandaang kandila yung pwede naming itirik sa nitso ni Lolo, ngayon, walong kandila nalang ang pwedeng itirik sa apartment nila ni Lola.


Nung nagsindi kami ng mga pinsan ko ng kandila, sabi ko, "O sige, kung kaninong kandila yung mamamatay, ibig sabihin galit sa kanya si Lola..." Tapos, unang namatay ynug kandila ko. Eto namang si Tito Nunoy, yung pinaka-cute kong tito sinindihan yung kandila sa ibabaw ng apartment nina Lolo at Lola. Sabi ko ulet, "To't, kilala mo ba yan?" Tinignan niya yung pangalan na nasa nitso, "Hinde," sabi niya.  Sumabat naman si Kuya Santy, "Eh, tol, Jimenez yung apelyido, katunog naman ng surname ni Lola eh, Tomines. Malapit na ting kamag-anak yan." "Pare, pwede!! Pwedeeee!!!" sabi naman ng mga pinsan kong barako, mga lasing na. Si Kuya Jason, ynug pinsan kong mala-kapre sa tangkad,  sa sobrang kalasingan, isinubsob yung mukha sa isang nitso doon. Umentra si Pinsang Jheg, "Pare, tama na, tama na yan, huminahon ka!" "Pare ang sakit eh.. Ang sakit sakit!!" sagot ni Kuya Jason. "Alam ko pare, pero hindi yan ang nitso ni Lola, eto..."


Sa bahay naman nina Pinsang Jheg, nagiinuman ang mga pinsan kong barako kasama ang asawa ko. Si Pinsang Jhay-R ay minsan lamang mapasama sa mga barakong yon kaya pinag-tripan siya. Eh pag pinagjoin-forces mo pa naman sina Kuya Santy, Pinsang Jason at Pinsang Jheg eh para ka na ring nag patiwakal gamit ang bayoneta ng mga hapon... Ganito ang topic:


SANTY: Hindi nga JR, bakit nga ba JHAY-STAR ang nakalagay sa Friendster mo?
JHEG: Oo nga naman, pwede naman kasing JHAY-BUNGO o kaya JHAY-MATON... Bakit JHAY-STAR?
JASON: May dapat ba kaming malaman tol?
SANTY: Eh kasi nga, bakla!!
YUNG TATLO (tahimik lang jowa ko noh!): BWAHAHAHAHA!!!
JHEG: Bakit ba kasi wala ka pang girlfriend hanggang ngayon? Umamin na kasi,,, tayo tayo lang naman eh...
JHAY-R: Hindi, kasi ganito yun eh, nademanda kasi ako, dahil nagdala ako ng 15 yrs old sa bahay---
JHEG: 50 pare? Eh uugud-ugud na yun eh!!
YUNG TATLO ULET: BWAHAHAHAHAH!!
JHAY-R: Hindi mga tol... 15, one-five!!
JASON: (tulug na)
SANTY: (bumubungisngis)
JHEG: Aaahh.. One five yung binayad sayo nung 50 yrs old. Mga pare, baka tinulungan niyang tumawid.. hehehe...
SANTY: (halatang lasing na.. bumubungisngis pa rin)
JASON: (umakyat na sa taas para matulog, hindi na kaya...)
JHEG: Kasi pare, diba? Pwede naman kasing JHAY-BUNGO yung name mo eh, ano ka ba talaga? Tapos wala ka pang syota, pumatol ka pa sa 50!! BWAHAHAHA!!
JHAY-R: (obvious na pikon na...) Ewan ko lang...
BABY KEVIN: (umiiyak.. hinagis ni SANTY sa kisame.. nauntog..)
ATE LHEN: (sumisigaw... hila-hila si Jason papunta sa CR) Momma!!! Si Jason, muntik na umihi sa aquarium dun sa taas!!!
SID (asawa ko): (tahimik lang, siya ang tanggero.. hindi alam nung apat na hindi na siya umiinom kanina pa..)
JHEG: BWAHAHAHAHA!!
JHAY-R: (nakatungo, hindi makumbinsi ang pinsan na hindi siya bakla...)
SANTY: (tulala... nagsisisi sa ginawa sa anak, may bukol si Baby Kevin sa noo...)
JASON: (BLAGAG!! bumagsak sa CR...)


Lesbian ang asawa ko. Pero nung dumating kami sa Reunion, wala kaming naramdamang pandidiri sa mga kamag-anak ko. Puro kasiyahan lamang ang nararamdaman ng bawat isa. Medyo matagal na rin mula nung huling reunion ng Rafol Clan. Likas sa Rafol Clan ang pagiging mahadero at mahadera at malakas mang-asar. Kung mapipikon ka sa mga panga-asar nila/namin, pwes hindi ka pwedeng makihalubilo sa angkan namin. Kaya nga si Sid, oks sa kanila, kasi magaling makisalamuha at hindi pikunin.. Ang saya talaga ng Undas ko. Tanggap na nila ang relasyon namin ni Sid. Marami pang nangyari, nakakatuwa lahat. Walang nakakalungkot...


Ikaw? Masaya ba ang Undas mo? O kasing lungkot ng dinalaw mo ang Nov 1 mo?


:)