20.10.09

"laruan"

"tay sige na po... dag-dagan niyo naman tong baon ko.." pinipilit ko si itay na dag-dagan niya ng kahit tatlong piso pa ang limang pisong baon na iniabot niya sa akin. nakita kong sumimangot na siya. halatang hindi nagustuhan ang pangungulit ko.


"pwede ba betang, tigilan mo ko ha! kita mong minamalas na ko dito sa tong-its e! lumayas ka na nga dyan sa harap ko!"


pinili kong umalis na lamang bago pa hubarin ni itay ang alpombra niyang tsinelas at ipalo sa mukha ko, tulad ng lagi niyang ginagawa. hindi ako pwedeng pumasok ng may latay sa mukha ngayon. awarding kasi ng Spelling Bee. napanalunan ko yung first place. hindi alam nina inay at itay yun. pagagalitan lang nila ako. ang alam kasi nila nagtinda ako ng basahan kahapon. sayang, kasi walang cash prize yung Spelling Bee, eh di sana hindi ko na kailangan magpadagdag ng pera kay itay para sa baon ko. ang totoo, gusto kong bilihin yung nakita kong laruan sa palengke. ang ganda kasi niya eh. ang kintab ng buhok ng manikang nakita ko. maganda rin yung inuupuan niyang de-tulak ng upuan. isandaan at limampung piso ang halaga nito at sa araw araw kong pag-iipon at pag-pigil sa pagkain sa recess, malapit ko na itong mabuo upang mabili ang laruang iyon.


matagal. matagal kong pinag-ipunan ang laruan na gusto ko. pilit kong kinakaibigan ang tindera sa palengke upang pumayag siyang huwag munang ibenta ang laruan dahil nga pinagiipunan ko.


sa wakas, bente pesos nalang. mabibili ko na siya.


"betaaaaaaang!!" si inay yun, mukhang lasing na naman si inay. baligtad yata. sa pagkakaalam ko, sa mga pelikula, dapat ang tatay ang lasenggo at ang nanay ang sugalera. pero sa buhay ko hindi.


"betaaaaaaang! ano ba!"
"opo, andito na po! ano po ba yun 'nay?"
"ipangutang mo nga ako ng gin dyan kina aling rosa!"
"pero nay, ang laki na po ng uta--"
aba't! sabihin mong magbabayad ka naman kamo kapag naka-benta ka na ng basahan bukas eh. asan nga pala yung kinita mo kahapon? punyeta kang bata ka ah, wala ka naman binigay sa akin kahapon ah?"
"eh, nay, kasi po," hindi pwedeng malaman niinay na hindi ako nagbenta ng basahan bagkus ay sumali ako sa Spelling Bee. "nay, hindi po ako nakabenta ng basahan eh, wala po kasing masyadong bumili na mga driver. may strike yata kahapon, parang walang masyadong bumyahe."
mukhang nakumbinsi ko naman si inay, palibhasa hindi siya nanonood ng balita.
"hhmm, siya sige na, iutang mo na ako kina aling rosa ng gin. sabihin mo, magbebenta ka ng basahan mamaya, babayaran mo nalang."


lumakad na ako. pag-dating ko sa tindahan ni aling rosa, halos alam kong alam niya na kung anong uutangin ko.
"ano ba naman yang nanay mo betang? kebata-bata mo pa eh, sa iyo na nila inaasa pati pambisyo nila. ilang taon ka na nga ba?"
"sampu po." magalang kong sagot. "aling rosa, pautang naman ho ng gin bilog. babayaran ko rin ho mamaya pag kumita ako sa pagtinda ng basahan."


natapos ang araw ko na mayroon akong kaunting kinita. gabi na nang makauwi ako sa aming barong barong na nasa gilid ng riles ng tren. ang aking libangan bukod sa paga-aral, ay ang umupo sa tapat ng bahay namin at mag-hintay ng tren na daraan. musika sa aking pandinig ang tunog ng maingay nitong makina. ang usok nito ay ang aking pampatulog. maya-maya pa..


toot-tooooot!! tsug tsug tsug..


andyan na naman ang tren, huling byahe na nito para ngayong araw.


KINABUKASAN.


"nay, magkape na po muna kayo. heto na po ang kinita ko kahapon. hindi ko na po muna babayaran yung utang sa tindahan dahil kulang din naman po itong pera."
"tamang-tama, nagyaya si bong ng tong-its--"
"oy-oy-oy! anong tong-its? kulang pa nga itong pambili ng aking alak ah? hati nalang tayo." sinabatan ni inay ang sinasabi ni itay. maya-maya pa, yumakap na si itay kay itay at hinalk-halikan ang leeg nito. naririnig ko na naman ang makamundong tawa nilang dalawa. minsan hindi ko alam kung dapat ba akong madiri o takpan ko nalang ang tenga ko at isiping natural lamang iyon dahil mag-asawa naman sila. dahan-dahan akong lumabas ng pinto. ang "hihihi" ni inay ay tila mala-demonyong tawang "bwahaha" sa aking pandinig.


"kuya, basahan! bili ka na, sige na, kuya ambo, malapit ko nang mabuo yung perang pambili ko ng laruan. kaya sige na bili na." lambing ko sa mamang driver na naging malapit ko na ring kaibigan.
"ikaw naman kasi, ayaw mo pa tanggapin nalang ang perang inaabot ko eh, eh di sana unang araw mo palang nakita yung laruan, nabili mo na agad, hindi ka na inabot ng buwan sa pag-ipon."
"kuya ambo, alam niyo naman na mas gusto kong mabili yung laruan dahil pinag-ipunan ko talaga eh diba?"
"hhmmn, siya sige, pagbilhan mo nga ako ng bente pesos na basahan." binigyan ko siya ng basahan na tinda ko. kinuha niya iyon at tulad ng dati humarurot ang kanyang puting jeep na may larawan ni Jesus sa magka-bilang gilig. at tulad ng dati, bigla na lamang itong nawala sa aking paningin, hindi ko alam kung dahil ba sa bilis ng pag-andar nito o natabunan na siya ng iba pang jeep.


SA WAKAS! mabibili ko na ang laruan. hawak ko na ang pera at iniaabot sa aleng nagtitinda.
nang iabot niya sa akin ang plastik ng laruan, tuwang tuwa ako. para akong nasa langit. sa wakas. ang saya ko talaga. damang dama ko iyon dahil talagang pinag-ipunan ko ang paruang ito. tulak-tulak ko ang laruan habang pa-uwi ako sa aming munting barong-barong. alam kong maaaring magalit sina inay at itay sa ginawa kong pag-bili ng laruang ito, pero malay ko ba? baka maging proud sila sa akin dahil marunong na akong mag-ipon para sa isang bagay na gusto ko diba?


"punyeta ka talagan lalaki ka!kinuha mo na naman yung pangbili ko ng gin! anong napala mo? natalo ka na naman diba?"
"gaga ka pala eh, buti nga ako eh, nagsusugal lang, malay natin kuing manalo ako diba? eh ikaw? inom ka ng inom! napupunta lang sa wala yang gin na yan! nasaan na? diba itinae mo lang?"


aktong sasapakin na ni itay si inay nang parehong mapako sa pinto ang mga mata nila. sa akin at sa laruan ko.


"aba't! punyeta kang bata ka! san mo nakuha yang laruan na yan? ha?! kaya ba ngayon ka lang umuwi eh dahil abalang abala ka sa paglalaro sa bwisit na bagay na yan?" sigaw ni inay, ewan ko kung galit ba talaga sa akin o para lang maka-iwas sa kamay ni itay.
"pinag-ipunan ko po ito inay, yung mga baon pong inia-abot ni itay sa akin at yung kaunting barya pong natitira sa pinag-bentahan ko ng basahan ang pinambi--" hindi ko na natapos ang sinasabi ko, hinablot ni itay ang laruan ko at ihinampas sa akin.
"suwail ka talaga! ibig sabihiin, mas inuna mo pang bumili ng basurang ito kesa ang ibigay sa amin ng inay mo ang pera. bakit? anong pinagmamalaki mo ha? kaya mo na ba mag-isa?!?"
impit na iyak na lamang ang nagawa ko dahil sa sama ng loob. nasira ang laruang pinag-ipunan ko dahil sa paghampas dito ni itay sa katawan ko. nakatingin lang si inay, halatang natutuwa dahil sa akin naman nabaling ang galit ni itay.
"suwail ka! lintik kang bata ka, makikita mo! itong laruan na ito? ha? kung binigay mo nalang sana sa amin ng inay mo ang pera, eh di sana nakabili pa tayo ng bigas!" si itay ulit.
"itay, gustong gusto ko po talaga ng laruan na yan eh. patawarin niyo na po ako itay. parang awa niyo na po, akina po yan itay. akina po yan!" iyak na ako ng iyak. "pinag-ipunan ko po iyan itay. parang awa niyo na po."
"alin? ito?" itinaas ni itay ang laruan sa ere, "o, eto, laruin mo sa kalye, pag hinabol mo to, wag ka na ring papasok sa bahay na to kahit kailan!!" sabay hagis sa aking laruan sa bintana.


kung anong bilis ng paglabas ng laruan sa bintana, ganun din kabilis ang takbo ko palabas ng pinto upang habulin ito. malabo na sa luha ang aking mga mata. ang aking mga tenga ay bingi na sa aking paghagulgol. masakit ang aking puso. masakit ang aking damdamin. hindi maipaliwanag ng sampung anyos kong pagi-isip kung anong kalseng magulang ba meron ako. hindi ako masamang anak ngunit kung minsan naiisip ko, sana maaaring na lamang piliin ang magulang. masakit ang nararamdaman ko. yakap-yakap ko ang laruan kong nawasak ni itay. madumihan ito dahil lumapag sa putik na likha ng maliit na bungkal sa lupa na naipunan ng tubig ulan. nagsimula akong maglakad palayo. maya-maya pa'y...


mabilis ang mga pangyayari, narinig ko na lamang ang impit na tili ni inay at ng pag-tawag ni itay sa pangalan ko. isang nakasisilaw na liwanag ang tumama sa mukha ko. bukod pa roon ay ang matigas na bakal na ulo ng tren na sumalpok sa mura kong katawan. masakit. ngunit hindi ko ito masyadong maramdaman. wala nang hihigit pa sa sakit na nararamdaman ng isang anak na nalamang hindi siya importante para sa kanyang mga magulang. nahilo ako at pakiramdam ko, pinunit-punit ang katawan ko.


napaupo ako sa gilid ng tren. sa aking paanan ay ang aking wasak na laruan. agad ko itong kinuha upang sana ay yakapin ngunit may kakaiba sa laruang ito ngayon. balot ng dugo ang mukha ng manikang nakaupo sa upuang de-tulak. tumayo ako upang hanapin sina inay at itay. wala sila sa aming barong-barong. lumabas ako upang maghanap ngunit isang pulutong ng mga taong nagkakagulo ang aking namataan sa di kalayuan. pinilit kong makipagsik-sikan sa kanila at hindi naman ako nahirapan. sa gitna ng nagkakagulong mga tao, nakita ko ang aking inay at itay na luhaan ang mga mata. sa buong buhay ko, ngayon ko lang sila nakitang lumuha. napaluha na rin ako at dahan-dahang napayuko. sa aking pagyuko ay natamaan ng aking mga mata ang aking sarli sa kandungan ni inay, wala nang buhay.


unti-unting nagliwanag sa akin ang lahat. at sa reyalisasyong ito, gumuhit ang walang kasing tinding sakit sa aking puso. sayang, sa buong buhay ko, ngayon pa lang sana ako yayakapin ni inay at itay. sayang.


sinubukan kong pulutin ang laruan upang yakapin kahit na may bahid pa ito ng dugo ngunit hindi ko manlang ito mahawakan. bagkus, isang kamay ang humawak nito at dinala ang manika sa gitna ng nagkakagulong mga tao. napansin ito ni inay at nakita kong lalo siyang umiyak. niyakap nila ang laruan ng mahigpit tulad ng higpit ng yakap nila sa aking katawang lupa. bumalik ang may-ari ng kamay na nagdala ng laruan sa aking ina.


si kuya ambo.


ngunit may kakaiba sa itsura niya ngayon, hindi na siya katulad ng dati na marungis at amoy grasa. malinis na ang damit niya at may kung anong bagay ang nakakabit sa likod niya. inabot niya ang aking kamay at tinanong niya ako,


"masaya ka ba?"


hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya. masaya ako dahil sa huling saglit ay nakita kong mahal din pala ako nina inay at itay subalit masakit para sa akin na kailangan pang humantong sa ganito ang lahat. masama ang loob ko sa kanila.


"ialis mo ang galit sa iyong dib-dib. walang puwang sa langit ang galit at sama ng loob. halika na betang. maraming laruan sa pupuntahan natin."


naenganyo ang mura kong isip at puso sa sinabi ni kuya ambo. nagtanong ang aking batang pagi-isip, "kuya ambo, may mga tren din po ba don?"


"oo.."


hindi ko alam kung paanong nagkaroon ng hagdan sa gitna ng riles ng tren ngunit habang unti-unti kaming umaakyat sa napaka-tarik na hagdan, nakikita ko na ang usok na dati ay aking pampatulog ay naging tila dagat ng puting ulap sa aming nilalakaran. naririnig ko rin ang awit na naging matagal ko ring naging paborito...


toot-toooot!! tsug-tsug-tsug-tsug..

19.10.09

17.10.09

ayoko na!! magtatanim nalang ako ng kamote!!! >_<

OO!
tama ang narinig mo.. este nabasa pala.. pagod na ko, sawang sawa na ko sa usok ng tambutso, ingay ng Salbakuta, halakhak ni Gloria, sa ka-eng-engan ni Yaya at sa ka-demonyohan ni Angelina. mamumundok nalang ako. magtatanim nalang ako ng kamote. o kaya mais. patatas. pwede ring grapes. pero sa level ko pwede na rin akong magtanim ng lemon tree at avocado tree eh..
ayoko na sa Maynila.


magpa-FARMVILLE nalang ako. :)


haaayyysss... fezbuk. dati inis na inis ako sa website na to. pano naman kasi, adik na adik ako sa friendster noon. feeling ko, gaya gaya lang naman yang facebook na yan eh. kung hindi pa sumikat anf friendster, wala namang gagawa ng facebook. (teka, hindi kaya isa lang ang may-ari nun?)


pero isang araw, namulat nalang ako, na lahat ng mga kaibigan ko at kahit mga kapit bahay naming mga tambay sa kanto, may fabeook na. aaaaaaaaaaaaahhhhh!!! AKO NALANG ANG WALA?!?!?


eh teka nga, pangit naman yang facebook na yan eh.. mas orig pa rin ang friendster. may chat din naman sa friendster ah? meron ding mga games. pero bakit halos lahat may facebook na?


hanggang sa minsang mapa-upo ako sa internet shop, ang naka-open na window, poker-fezbuk.


NAG-SIGN UP AKO. :)
at eto na nga.. nalaman kong mas maganda pala sa facebook. harharhar!! ang daming games. mejo dumadami na rin ang friends ko.. nakakatuwa. nakakaaliw. AMAZZZIIIINNNGGG!!!! :)


akalain mo yun, level 7 na ko sa Farmville, yun  nga lang mejo chaka pa rin yung farm ko.. nagpaparami pa kasi ako ng pera eh.. kaya hindi muna ako bumubili masyado ng mga decorations. di bale.. darating rin ang araw na yun. saka maganda rin yung Barn Yard Buddy kasi pwede mong nakawan yung mga friends mo ng tanim nila.. tapos ang ginagawa ko, ang tinatanim ko eh yung tipong 3 days bago tumubo tapos aanihin ko agad kapag okay na.. para hindi sila makaganti sakin.. harharhar!!! naaliw nga ako eh, kasi kahapon, nanalo ako ng Master Thief Award.. ang galing ko daw mangulimbat ng tanim, hindi ako nahuhuli. ^_^  ang devil ko.. harharhar!!!


well.. sa mga gustong mag-add sakin jan.. ayan po sa side bar ang aking badge sa FB.. add niyo nalang ako.. galing noh?


:)

14.10.09

sorry :(

i super duper hate this word. ewan ko ba. sino ba nag-imbento ng salitang to? para kasing unfair. sinasabi mo lang yung salitang sorry kapag nagawa mo na yung kasalanan. kapag nakasakit ka na ng damdamin. tapos susundan mo pa ng mga salitang "hindi ko sinasadya?" haaayy.. pakshet diba? pwede ba yun? you meant it when you thought of it. ibig sabihin, inisip mo yun eh, nasa utak mo. kapag nagawa mo yung bagay na inisip mo, bakit mo sasabihing hindi mo sinasadya, diba? wala bang salitang na-imbento para sabihin mo bago ka manakit? funny how a person has come up with a word that you can say after you have hurt someone and when the damage has been done, while no one has thought of a word that you can use to advise a person that you WILL hurt him and  you WILL not mean it, aaww, come to think of it, bakit ganun, diba? (aaaahhh... english yun.. hemorrhage..)


bakit nga ba ganun? nagso-sorry lang tayo kung kailang nagawa na natin saktan yung mga taong mahal natin. kung kailan natapakan na natin yung paa nung nasa likod natin sa pila o kung kailang natapunan na natin ng mainit na kape yung taong nabangga natin sa canteen. what can a word do when the damage has already been said and done? kapag ba minura natin yung mga magulang natin at nag-sorry tayo sa kanila after natin silang murahin, mawawala ba yung sakit na naramdaman nila? kapag ba sinaksak ko sa likod si Franze, at nagdugo yung sugat na halos ikamatay niya, tapos nagsorry ako, mawawala ba yung peklat ng sinaksak ko sa kanya? parang hindi naman yata.
bakit ba na-imbento ang salitang sorry? para ba okay lang magkaroon ng kasalanan kasi pwede namang mag-sorry? para ba mahugasan in an instant yung nagawa nating mali sa kapwa natin kasi nagsabi naman tayo ng sorry, so ibig sabihin, forgiven na tayo agad? para ba masabing mabait tayo dahil marunong tayong tumanggap ng pagkakamali? para saan ba ang sorry?
 
bakit yung bata, pag inagawan mo ng kendi, kahit mag-sorry ka, umiiyak pa rin siya? bakit yung kapit-bahay namin, kahit nag-sorry na yung kapatid ko sa kanya, banned pa rin siya magpakita sa eskinita namin? bakit yung teacher mo kahit sabihan mong sorry kasi hindi ka nakapasa ng project, ibabagsak pa rin niya yung grades mo? bakit yung batang nakagat ng aso, kahit nag-sorry na yung may-ari sa hayop, namatay pa rin sa rabbies? bakit yung babaero kahit mag-sorry na siya sa asawa niya, wala pa ring tiwala si Misis? bakit nga kaya?
 
ang daming kong tanong no? curious lang. sorry ha.
 
 
KASALANAN by 6CYCLEMIND & GLOC9
 
Maari bang makausap ka di na biro ang nararamdaman
Nalungkot sa aking buhay mula nang ika’y matauhan
Patawarin mo ako sa aking nagawang kasalanan (kasalanan)
Patawarin mo ako sa aking nagawang kasalanan (kasalanan)


Maari bang mapigilan pa ang yong di maaming binabalak
Nakalimutan mo na ang pagsasama di na ba kayang mapagbigyan
Patawarin mo ako sa aking nagawang kasalanan (kasalanan)
Patawarin mo ako sa aking nagawang kasalanan (kasalanan)
 
Patawad ay isang salitang animo’y isang parusa ito’y
Sasambitin mo lang kung lahat ay huli na at di na
Maibabalik ang dating pinagsamahan parang putik sa
Mukha na pinahid ng pabalang.
 
Sa iyo lahat ay paharang dahil ayaw mong magparaya
Babang siya’y bigay ng bigay at ipinauubaya lahat ng
Makakabuti kahit pa ang huling butil ay iaabot sa iyo.
 
Parang ika’y isang inutil na hindi nagiisip wala kang
Nararamdaman subukan mang pumikit wala kang
Natatandaan lagi mong inaalala ang para lamang sa yo
Walang iba kundi ikaw at kailanma’y walang kayo
 
Mapalad ka kung hihingan mo ng tawad ay nagagalit
Pag nasasaktan sumisigaw ng salitang pumupunit kahit
Sabihin mong kausapin ay di na sasagot akapin]
Man ng mahigpit ay di mo na maabot (Patawad)
 
Di na mauuli
Di na uulitin
Sana’y tanggapin mo
Patawarin mo ako sa aking nagawang kasalanan (kasalanan)
Patawarin mo ako sa aking nagawang kasalanan (kasalanan)
 
Tayoy’y nagkagulo’t nagsigawan at halos magtulakan sa
Galit ko ako’y lumayas at di ka binalikan
Sinuyog ang lahat ng pangako at ang pagmamahal
Sumpaan natin sa isa’t isa di rin nagtagal
Ang gabi ay laging umaga umaga’y laging gabi
Ako’y gumugising ng di ko kilala ang katabi
 
Paulit ulit na ganito ngunit ng aking makita larawan
Mo sa loob ng aking lumang pitaka ay nalaman ko
Hinanap ko ang tunay na sarili ko nakita ko nalaman ko
Ito ay nasa piling mo inipon ang lahat ng aking lakas
Ng loob ngunit bakit parang hindi rin maganda ang aking kutob.
 
Nilapitan ka at pilit na tinitingan sa mata
Ako’y nagdarasal na sabihin mo sa kin pwede pa
Ika’y hindi kumikibo at parang lumalayo tila pagibig mo sa kin tuluyan na natuyo

HYPERCADAH and all that jazz.. :)

damn.. i miss these people.. nabuo ang HYPERCADAH noon August 2, 2003, pagkatapos mag-practice at magperform sa isang play sa subject na MAPEH. mula noon, alam nilang magki-click sila kung sama sama nilang iguguho ang PNHS LA HUERTA ANNEX. at yun na nga, naging magkakaibigan sila. kami. sila yung mga kasama ko sa panahon na nalulungkot ako sa buhay. mga barkada habang buhay.. yeah!! HYPERCADAH forEvah!!


JOSEPH MARION CELIZ- best friendshipped ko yan. ewan ko lang sa kanya kung bestfriendshipped niya pa rin ako hanggang ngayon. malalim ang aming pinagsamahan na nabuo habang nangba-back fight kami ng mga classmates namin. nung time na yun na pinalabas kami ni Ms. Espedido dahil sa kadaldalan naming dalawa. masasabi kong sa lahat ng baklang nakilala ko sa buhay ko, si Marionne ang pinaka-nirerespeto ko. hindi ko yan nakitang nag-T.H. sa pagsuot ng pambabaeng damit o mag-muk ap ng pagka-kapal kapal. nami-miss ko na yung mga panahon na naglalakad kami sa kabilugan ng buwan habang pauwi sa aming kanya-kanyang tahanan. hahaha! akalain mo yun, ala-una ng hapon ang uwian namin from school pero uuwi kami sa haus ng ala-una ng madaling araw galing sa tambayan. hindi kami nauubusan ng joke at tawa pag magkasama kami at kahit hindi na nakakatawa, tawa pa rin kami ng tawa. actually sa sobrang lukaret namin, minsan napapanganga nalang yung ibang katropa namin sa amin eh. maaasahan ko tong baklitang to sa lahat ng bagay. nahihiya nga ako sa kanya kasi hindi ko talaga siya matulungan ngayon na wala siyang work. sana magkaroon na siya ng stable job. i wish all the luck for my bestfriendship.
FAVE PUNCHLINE: broken english and the ever bongga punch line na: "pooches kang vhaklushes ka!!!"


HIYASMIN DAPULANG- isa ko pang bestfriendshipped to. bakla rin yan sa isip, sa puso at sa salita pero ang katawan niyang kurbeysyus ay pang-babae. matalino to sa.. ewan ko kung saan subject siya matalino. kasama ko rin to sa Journalism class. mabait at pasensyosa si Yas. never ko pa siyang nakitang napikon pero nakita ko na siyang umiyak. maraming beses na yata. tungkol sa lovelife, sa personal life, sa project sa school at sa kung anik-anik pa. pero alam niyo ba, na kahit namumugto ang mga mata ni Yas, makikita mo pa rin sa mga matang iyon na matatag siyang tao at may sariling paninindigan.. minsan.
FAVE PUNCHLINE:
"Gagooo!"



CHRISTIAN DACER- si pestfriend. kahit pariwara tong baklitang itu, mahal ko rin to. masayang kausap at totoong tao.. minsan. malandi si Crizzy at mahadera pero kahit ganun siya, alam mong kayang kaya ka nyang ipag-tanggol sa kahit kaninong amputserang aaway sayo. hellouer?!? ang laki kaya ng katawan nitong baklang ito. sila ni Marionne ang madalas magkasama. galing kasi sila sa J-CHAMMP. grupo rin yun ng barkadahan na rival ng HYPERCADAH. nakita ko na kung paano sila magtanggulan ni Marionne sa isang labanan. maasahan tong si Crizzy, wag lang sa Math.
FAVE PUNCHLINE: "peste daw ako sabi ni tatay!!"


JOUBERT DE GUZMAN- si Jobby na syota ni Grandma.. dati. ito ang first true love ni Marionne at ang MAJOR CAUSE ng ULTIMATE HEARTACHE niya. hehe. kaya lang mas mahaba ang hair ni Mr. Joey Faustino kesa sa bestfriendshipped ko eh kaya si Sir Baklita ang naging jowa ni Jobby. mabait si Jobby, classmate ko since elementary at matalino to sa Math.
FAVE PUNCHLINE: "mamaya na, pupunta pa ko kina Joey."


MARIEL JENNA DE LEON- si Jenna, ang malanding lesbian, harharhar! itong chubby friend ko na to eh nahahawig kay KC Concepcion. may kaya sa buhay at may sariling haus na tambayan ng HYPERCADAH. mabait rin ang nanay at tatay niya na talagang nakiki-jamming sa aming tropa.
FAVE PUNCHLINE: "bili ka pandesal bukas ha?!"


JEROME JAY DE LEON- hindi sila magkaano-ano ni Jenna. si Jerome ay ang paborito ko sa HYPER, adik rin kasi to tulad ko. para bang siya yung male counterpart ko sa grupo. kahit anong banat niya, hindi ka mauubusan ng tawa. isa pang nakakabilib sa kanya, sobrang galing niya sa Physics at Math. henyo!!  matampuhin si loko pero sobrang sweet naman. ex siya ni Yas at nung mga panahon na sila pa, talagang makikita mo kung gaano ka-sweet itong tao na to. ang tyaga niyang mag-gupit gupit ng mga colored paper para gawing love letter. ay grabe.. sobrang creative. kaka-inlove.
FAVE PUNCHLINE: pag kumakanta siya ng "I'll Be"


RUDOLF CERDA- si Serg, may ka-L-an to minsan eh. bigla nalang nangyayakap at nanghihimas. hindi niya alam yung mga girls naiinis na sa kanya. pero kahit ganun, seaman na siya ngayon at financer namin siya sa mga projects namin nina Yas, Marion at Jobby sa Journalism class.
FAVE PUNCHLINE: "may gustong sumali sa atin." yan ang punchline niya pag biglang tumatahol ang mga aso habang naglalaro kami ng volleyball ng saktong alas-dose ng gabi. may "something" daw na nanonood, freaky huh?


MARY JOY GALLENERO- eto naman si Sexbomb, galing niyan sumayaw. kung anong liit niya, ganun din kaliit ang mga buto niya.. o wala yata siyang buto. ang lambot ng katawan eh. si Daisy Syete nga sya kung tawagin. successful secretary na to ngayon. hehe. buti pa sya graduate.
FAVE PUNCHLINE: "baklaaaaaaa!!"


SHAN INRI GILGEORGE ISON- hihi.. :) first love ko yan. kaya lang di niya ko love eh. haha!! mabait kasi yan saka astig sa pagsayaw. kumbaga ba, kung si Joy ang Sexbomb, sya naman si Mark Herras sa HYPER. kahit anong ipasayaw mo sa kanya, ang galing galing. affectionate din to sa mga kaibigan at palaging maaasahan. ewan ko, pero feeling ko, sinalo nya lahat ng magagandang katangian ng mga lalaki. ay hindi pala.. napagod siya sa pagsalo, kaya nung HEIGHT na ang sinasaboy ng Panginoon, nakatulog siya, hehe.. :) siya ang factory ng pad paper at quiz pad para sa HYPERCADAH.
FAVE PUNCHLINE: wala.. kasi kung hindi mo pa siya kakalabitin, hindi siya magsasalita. :)


RICH CUEVAS-  si Rich naman, ang pinaka low profile sa aming lahat.. talagang mahiyain siya.. ewan ko nga kung bakit eh.. kasi cute naman siya.. :D mabait tong si Rich at kahit yata suntukin mo siya sa baga, hindi siya magrereact. balita ko, teacher na daw siya ngayon sa isang unibersidad sa Manila. ewan ko kung saan. kulang ang source ko.
FAVE PUNCHLINE: "tuyo na naman?!?!?"


JESSICA CADAYONG- eherrrrrmmnnn... talk about "motherhood", tong isang to ang parang nanay kung umasta sa grupo namin. ang sungit at parang laging may kaaway. hindi ko alam kung paano siya nakasali sa grupo pero ito lang ang alam ko, walang may gustong sumali siya. hehe.. peace Jecai :)
FAVE PUNCHLINE: "gabi na, uwi."


LOUGENE FERRER- superduperultramegatothamax na EX ni Shan. hehe. bitter?!? hindi naman. well, mahaba ang hairlalu nitong lola kong to. dahil kahit na NUMBER ONE RULE ng HYPER ang WALANG TALUHAN eh naging sila parin. maraming hinaing sa buhay tong si Louge pero kahit na maarte siya, mahal naman namin siya. este, sila lang. siya rin ang tinaguriang JENNELYN MERCADO ng grupo.. ewan ko kung bakit. hanggang ngayon hindi ko pa rin ma-gets.
FAVE PUNCHLINE: "Uy, peram ng salamin!" o kaya "Uy, makapal ba yung pulbos ko?" (hindi, pero yung mukha mo, oo)


AT AYAN PO ANG MGA MEMBERS NG HYPERCADAH.. marami kami at lahat kami ay nagmamahalan. minsan may malisya, minsan wala.
itong sa baba naman, ay mga tao na hindi man members ng HYPERCADAH ay may kontribusyon naman upang gawing makulay ang buhay ng KAPUSO BACKFIGHTERS a.k.a. HYPERCADAH :)


VINCENT YWAYAN- ang santo niñong gala. maliit ang boses, maliit sa height, maliit na baklita at pagala-gala, dahil Y ang surname niya, lagi siyang nauubusan ng upuan at kung saan may absent, dun siya uupo. kaya nga SANTO NIñONG GALA eh..


HERMIE- hindi ko na maalala yung surname niya kasi hindi naman  kami ganun ka-close. siya yung baklang parang leader sa J-CHAMMP, laging siyang naka-irap sa grupo namin kasi hindi nya matanggap na umanib sa kulto namin sina Marion at Crizzy.


JIMMY LUSEBIO- sorry, hindi ako sure sa surname, pero sounds like :D bakla din to. member ng CHARLIE'S ANGELS. hahaha.. naaalala ko pa kapag nagpo-pose sila  nina Marion at Crizzy ng pose ng CHARLIE'S ANGELS. ang cute nilang tignan, parang mga freakazoid lang.


MARCONI AINZA-si Cune, itong bakla na to, ang balita ko, LALAKING LALAKI NA NGAYON at may GF pa!! aba! pwede pala yun noh?!? samantalang fan pa siya noon ni Elle Woods ng Legally Blonde kaya lagi siyang may scarf sa leeg nung high school.


ARNEL NGOHO-bakla rin to. isa siyang simpleng mahirap na nilalang na pumapasok kahit butas ang damit at naka-ngiti ang sapatos.  we feel for him kaya nga mahal siya ng HYPER. tahimik lang tong bading na to at hindi makabasag pinggan, pareho sila ni Vincent kaya nga nung kumanta silang dalawa ng kanta ni Kylie Minogue nung presentation sa Math, tawa kami ng tawa. imagine mo yung dalawang tahimik ng bakla biglang kakanta ng "lalala, lalalalala, lalala, lalalalala.. i just can't get you out of my head.."


JEANETTE- nakalimutan ko na yung surname niya. grabe to, babaeng baklang maton. siga.. tres kasi to eh.. nakakatakot.. hahaha!! binato ako nito ng pamaypay eh, hindi ako tinamaan. ang tinamaan niya, yung tatahi-tahimik naming classmate sa tabi ko, hahaha!! kawawa.. :)


RACHEL ANN DIMACULANGAN-friend ko to since elementary. tahimik din tong babaita na to. kahit yata suntukin mo sa bagang, walang imik. paborito siya ng HYPER.


JEFFERSON SURIGAO- etoh, magaling rin to pagdating sa kalokohan. ewan ko ba kung bakit hindi siya naging official member ng HYPER. kasama namin to sa Journalism class. matalino rin to eh, maloko nga lang..


QUEENCESS DAANTOS- si Reynang Kagandahan. maliit pero cute at sexy. ewan ko kung naging sila ni Shan pero na-link rin sila nito. mabait si Cess, in-fact gusto rin siya kasa-kasama ng HYPER eh. nakalaban ko si Queencess sa award for BEST ACTRESS, nominees kaming dalawa pati si Jessica para sa award na to sa play namin na "The Big Wave". nagpatalo na ko kaya tumawa ako ng tumawa habang uma-acting kami.. hellouer?!?! hindi naman ako ganun ka-desperada makuha yung award no, di bale kung cash yun. si Cess, umiiyak at humahagulgol na, kaya siya yung nanalo. 


EHMAR EDUARTE- ewan ko ba dyan sa hunk na yan.. haha! hunk daw oh?!?! basta, naging part siya ng buhay namin.. ewan ko kung paano. close kami neto eh.. nung time na nanliligaw ako ng mga girls nung high school kami, lahat ng type ko, type nya rin.. ambisyoso.. :)


GLAIZA- i forgot her surname, buddy-buddy siya ni Marion. mahilig din sa gimik. laging present.. :)


GHINDIE HERSON TINDOY & ABIGAIL CRUZ- pareho na ngang maganda, pareho pang matalino. hay naku. pumapangalawa lang ako sa kanila pagdating sa kagandahan at talino. hanggang ngayon, hati pa rin sila sa trono ng NUMBER ONE.


marami pang mga tao ang naging bahagi ng buhay namin sa HYPERCADAH. mga tao na nagbigay ng kulay sa dati na naming makulay na naming mundo. mga taong sangkot sa aming kaligayahan at kagandahan. sayang at hindi namin classmate si Vicky Bello. mga taong pinagkunan namin ng iba't ibang happy moments at mga di matatawarang kalokohan. mga taong pinagkopyahan namin ng sagot sa test papers.


nakakamiss.. sana high school ulit kami. section two pa rin kaya ako? kung ako ang tatanungin, ayokong umalis sa Prudence. masaya ako kahit section two lang ako. atleast, dun ko naman nakilala ang mga tunay kong kaibigan. sa ngayon kami nalang nina Marion at Yas ang active. nung minsan nakita ko si Shan pero hindi ko manlang siya nayakap. haha!! kasama ko kasi yung gf ko eh. pero nakita ko yung spark sa mga mata niya.. hahaha!! MEGAnon?!? joke lang. pero talaga, na-miss ko silang lahat. as in lahat.


OFFICIAL HYPERCADAH THEME SONG
[MINSAN by ERASERHEADS]
Minsan sa may kalayaan tayo'y nagkatagpuan
May mga sariling gimik at kaya-kanyang hangad sa buhay
Sa ilalim ng iisang bubong
Mga sekretong ibinubulongKahit na anong mangyari
Kahit na saan ka man patungo
Chorus:
Ngunit ngayon kay bilis maglaho ng kahapon
Sana'y huwag kalimutan ang ating mga pinagsamahan
At kung sakaling gipitin ay laging iisipin
Na minsan tayo ay naging
Tunay namagkaibigan
Minsan ay parang wala nang bukas sa buhay natin
Inuman sa magdamag na para bang tayo'y mauubusan
Sa ilalim ng bilog na buwan
Mga tiyan nati'y walang laman
Ngunit kahit na walang pera
Ang bawat gabi'y anong saya
(Repeat chorus)
Minsan ay hindi ko na alam ang nangyayari
Kahit na anong gawin
Lahat ng bagay ay merong hangganan
Dahil ngayon tayo ay nilimot ng kahapon
Di na mapipilitang buhayin ang ating pinagsamahan
Ngunit kung sakaling mapadaan bakaIkaw ay aking tawagan
Dahil minsan tayo ay naging
Tunay na magkaibigan


**sob, sob :( MISS YOU GUYS..**